Mga Awit 28:1-9

Awit ni David. 28  Patuloy akong tumatawag sa iyo, O Jehova na aking Bato;+Pakinggan mo ako. Kung mananahimik ka,Magiging gaya ako ng mga bumababa sa hukay.*+   Pakinggan mo ang paghingi ko sa iyo ng tulongHabang itinataas ko ang mga kamay ko nang nakaharap sa kaloob-loobang silid ng iyong santuwaryo.+   Huwag mo akong kaladkaring kasama ng masasama, ng mga gumagawa ng nakapipinsala,+Ng mga mabait makipag-usap* sa kapuwa pero masama ang nasa puso.+   Pagbayarin mo sila sa ginagawa nila,+Sa kasamaan nila. Singilin mo sila sa ginagawa ng kanilang kamay;Gantihan mo sila sa mga gawa nila.+   Dahil hindi nila binibigyang-pansin ang mga ginagawa ni Jehova+At ang mga gawa ng mga kamay niya.+ Ibabagsak niya sila at hindi itatayo.   Purihin nawa si Jehova,Dahil dininig niya ang paghingi ko ng tulong.   Si Jehova ang aking lakas+ at aking kalasag;+Sa kaniya nagtitiwala ang puso ko.+ Tinulungan niya ako, at nagsasaya ang puso ko,Kaya pupurihin ko siya ng aking awit.   Si Jehova ang lakas ng bayan niya;Siya ay isang moog na nagliligtas sa kaniyang pinili.*+   Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong mana.+ Pastulan mo sila at buhatin sa iyong bisig magpakailanman.+

Talababa

O “libingan.”
Lit., “mga nagsasalita ng kapayapaan.”
Lit., “pinahiran.”

Study Notes

Media