Mga Awit 141:1-10
Awit ni David.
141 O Jehova, tumatawag ako sa iyo.+
Magmadali ka at tulungan mo ako.+
Dinggin mo ako kapag tumatawag ako sa iyo.+
2 Ang panalangin ko nawa ay maging gaya ng inihandang insenso+ sa harap mo,+At ang nakataas kong mga kamay ay maging gaya ng handog na mga butil sa gabi.+
3 Maglagay ka ng bantay sa bibig ko, O Jehova,Bantayan mo ang pinto ng mga labi ko.+
4 Huwag mong hayaang maging malapít sa puso ko ang anumang masama,+Para hindi ako makibahagi sa kasuklam-suklam na mga gawa ng masasama;Huwag nawa akong kumain ng masasarap na pagkain nila.
5 Kung saktan ako ng matuwid, ituturing kong tapat na pag-ibig iyon;+Kung sawayin niya ako, magiging gaya iyon ng langis sa ulo ko,+Na hindi tatanggihan ng aking ulo.+
Patuloy akong mananalangin kahit sa panahon ng kapahamakan nila.
6 Ihagis man sa bangin ang mga hukom nila,Pakikinggan ng mga tao ang sinasabi ko, dahil kalugod-lugod iyon.
7 Gaya ng lupang binungkal ng araro,Ang mga buto namin ay ikinalat sa bibig ng Libingan.*
8 Pero ang mga mata ko ay nakatingin sa iyo, O Kataas-taasang Panginoong Jehova.+
Sa iyo ako nanganganlong.
Huwag mong kunin ang buhay* ko.
9 Protektahan mo ako mula sa bitag na iniumang nila sa akin,Mula sa mga patibong ng masasama.
10 Sama-samang mahuhulog ang masasama sa sarili nilang lambat+Habang ako ay ligtas na dumadaan.

