Mga Awit 137:1-9
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya,+ doon kami umupo.
Napaiyak kami nang maalaala namin ang Sion.+
2 Sa mga punong alamo sa gitna niya,*Isinabit namin ang aming mga alpa.+
3 Dahil doon ay pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin,+Gusto ng mga humahamak sa amin ng katuwaan:
“Kantahan ninyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”
4 Paano namin makakanta ang awit kay JehovaSa banyagang lupain?
5 Kung kalilimutan kita, O Jerusalem,Maging malilimutin* na sana ang kanang kamay ko.+
6 Dumikit sana sa ngalangala ko ang aking dilaKung hindi kita aalalahanin,Kung hindi ko ituturing ang JerusalemNa nakahihigit pa sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng malaking kagalakan.+
7 Alalahanin mo, O Jehova,Ang sinabi ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem:
“Gibain iyon! Gibain pati ang mga pundasyon!”+
8 O anak na babae ng Babilonya, na malapit nang mawasak,+Magiging maligaya ang gaganti sa iyoNg pakikitungo na ginawa mo sa amin.+
9 Magiging maligaya ang susunggab sa mga anak moAt maghahampas sa kanila sa mga bato.+

