Mga Awit 136:1-26
136 Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
2 Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
3 Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
4 Siya lang ang gumagawa ng lubhang kamangha-manghang mga bagay,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
5 Ginawa niya ang langit nang buong husay,*+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
6 Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
7 Ginawa niya ang malalaking tanglaw,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
8 Ang araw para maghari kapag araw,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
9 Ang buwan at mga bituin para maghari kapag gabi,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
10 Pinuksa niya ang mga panganay ng Ehipto,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
11 Inilabas niya ang Israel mula sa kanila,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
12 Sa pamamagitan ng malakas na kamay+ at makapangyarihang* bisig,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
13 Hinati niya sa dalawa ang Dagat na Pula,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
14 Pinatawid niya ang Israel sa gitna nito,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
15 Ipinalamon niya ang Paraon at ang hukbo nito sa Dagat na Pula,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
16 Ginabayan niya ang bayan niya sa ilang,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
17 Pumuksa siya ng makapangyarihang mga hari,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
18 Pumatay siya ng malalakas na hari,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
19 Si Sihon+ na hari ng mga Amorita,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
20 At si Og+ na hari ng Basan,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
21 Ipinamana niya ang lupain nila,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
22 Ipinamana sa Israel na lingkod niya,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
23 Inalaala niya tayo nang tayo ay lugmok,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
24 Paulit-ulit niya tayong iniligtas sa ating mga kalaban,+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
25 Binibigyan niya ng pagkain ang lahat ng nabubuhay,*+Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
26 Magpasalamat kayo sa Diyos ng langit,Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

