Mga Awit 13:1-6

Sa direktor. Awit ni David. 13  Hanggang kailan mo ako kalilimutan, O Jehova? Magpakailanman ba? Hanggang kailan mo itatago sa akin ang iyong mukha?+   Hanggang kailan ako mababahalaAt malulungkot araw-araw? Hanggang kailan magtatagumpay sa akin ang kaaway ko?+   Tingnan mo ako, sagutin mo ako, O Jehova na aking Diyos. Bigyan mo ng liwanag ang mga mata ko, para hindi ako matulog sa kamatayan,   Para hindi sabihin ng kaaway ko: “Natalo ko siya!” Huwag mong hayaang magsaya ang mga kalaban ko sa pagbagsak ko.+   Nagtitiwala ako sa iyong tapat na pag-ibig;+Magsasaya ang puso ko dahil sa iyong pagliligtas.+   Aawit ako kay Jehova, dahil sagana niya akong pinagpala.*+

Talababa

O “dahil napakabuti niya sa akin.”

Study Notes

Media