Mga Awit 13:1-6
Sa direktor. Awit ni David.
13 Hanggang kailan mo ako kalilimutan, O Jehova? Magpakailanman ba?
Hanggang kailan mo itatago sa akin ang iyong mukha?+
2 Hanggang kailan ako mababahalaAt malulungkot araw-araw?
Hanggang kailan magtatagumpay sa akin ang kaaway ko?+
3 Tingnan mo ako, sagutin mo ako, O Jehova na aking Diyos.
Bigyan mo ng liwanag ang mga mata ko, para hindi ako matulog sa kamatayan,
4 Para hindi sabihin ng kaaway ko: “Natalo ko siya!”
Huwag mong hayaang magsaya ang mga kalaban ko sa pagbagsak ko.+
5 Nagtitiwala ako sa iyong tapat na pag-ibig;+Magsasaya ang puso ko dahil sa iyong pagliligtas.+
6 Aawit ako kay Jehova, dahil sagana niya akong pinagpala.*+
Talababa
^ O “dahil napakabuti niya sa akin.”

