Mga Awit 126:1-6

Awit ng Pag-akyat. 126  Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+Para tayong nananaginip.   Nang panahong iyon, nagtatawanan tayoAt humihiyaw sa kagalakan.+ Nang panahong iyon, sinabi nila sa mga bansa: “Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa kanila.”+   Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa atin,+At napakasaya natin.   O Jehova, tipunin mong muli* ang mga binihag sa amin,Na gaya ng mga batis sa Negeb.*   Ang mga naghahasik ng binhi nang may luhaAy gagapas nang may hiyaw ng kagalakan.   Ang lumalabas, kahit na umiiyak,Dala ang kaniyang supot ng binhi,Ay tiyak na babalik na humihiyaw sa kagalakan,+Dala ang kaniyang mga bungkos.+

Talababa

O “ibalik mo.”
O “ng mga wadi sa timog.”

Study Notes

Media