Mga Awit 124:1-8

Awit ng Pag-akyat. Awit ni David. 124  “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova”+ —Sabihin ngayon ng Israel—   “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova+Nang salakayin tayo ng mga kaaway,+   Baka nilamon na nila tayo nang buháy+Noong nag-aapoy ang galit nila sa atin.+   Baka tinangay na tayo ng tubigAt inanod ng malakas na agos.+   Baka natabunan na tayo ng rumaragasang tubig.   Purihin nawa si Jehova,Dahil hindi niya tayo hinayaang lurayin ng mga ngipin nila.   Para tayong ibong nakatakasSa bitag ng mangangaso;+Nasira ang bitag,At nakatakas tayo.+   Ang kaligtasan natin* ay nasa pangalan ni Jehova,+Ang Maylikha ng langit at lupa.”

Talababa

Lit., “Ang tulong para sa atin.”

Study Notes

Media