Mga Awit 122:1-9

Awit ng Pag-akyat. Awit ni David. 122  Nagsaya ako nang sabihin nila sa akin: “Pumunta tayo sa bahay ni Jehova.”+  2  At ngayon, nakatayo kamiSa loob ng mga pintuang-daan mo, O Jerusalem.+  3  Ang Jerusalem ay itinayoBilang isang lunsod na pinagkaisa.+  4  Umakyat doon ang mga tribo,Ang mga tribo ni Jah,*Gaya ng paalaala sa Israel,Para magpasalamat sa pangalan ni Jehova.+  5  Dahil ang mga trono para sa paghatol ay inilagay roon,+Ang mga trono ng sambahayan ni David.+  6  Humiling kayo ng kapayapaan para sa Jerusalem.+ Ang mga umiibig sa iyo, O lunsod, ay magiging panatag.  7  Manatili nawa ang kapayapaan sa loob ng mga tanggulan* mo,Ang kapanatagan sa loob ng iyong matitibay na tore.  8  Alang-alang sa mga kapatid at kasamahan ko ay sasabihin ko: “Sumaiyo nawa ang kapayapaan.”  9  Alang-alang sa bahay ni Jehova na ating Diyos,+Idadalangin ko ang ikabubuti mo.

Talababa

^ Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “matitibay na pader.”

Study Notes

Media