Mga Awit 121:1-8

Awit ng Pag-akyat. 121  Tumingin ako sa mga bundok.+ Sino ang tutulong sa akin?  2  Si Jehova ang tumutulong sa akin,+Ang Maylikha ng langit at lupa.  3  Hindi niya hahayaang madulas* ang paa mo.+ Ang nagbabantay sa iyo ay hindi aantukin.  4  Ang nagbabantay sa IsraelAy hindi aantukin o matutulog.+  5  Binabantayan ka ni Jehova. Si Jehova ang lilim,+ at siya ay nasa kanan mo.+  6  Hindi ka sasaktan ng araw kapag araw,+O ng buwan kapag gabi.+  7  Babantayan ka ni Jehova laban sa lahat ng kapahamakan.+ Babantayan niya ang buhay mo.+  8  Babantayan ka ni Jehova sa lahat ng ginagawa mo*Ngayon at magpakailanman.

Talababa

^ O “sumuray.”
^ Lit., “Babantayan ni Jehova ang paglabas at pagpasok mo.”

Study Notes

Media