Ikalawang Liham sa mga Taga-Tesalonica 2:1-17

2  Pero kung tungkol sa presensiya ng ating Panginoong Jesu-Kristo+ at sa pagkakatipon nating kasama niya,+ hinihiling namin sa inyo, mga kapatid,  na huwag ninyong hayaan na agad-agad na malihis ang inyong pangangatuwiran, at huwag kayong maniwala agad sa balitang narito na ang araw ni Jehova,+ galing man iyon sa isang pagsisiwalat na parang mula sa Diyos+ o sa isang mensahe na narinig ninyo sa iba o sa isang liham na parang galing sa amin.  Huwag kayong magpalinlang kaninuman sa anumang paraan, dahil bago iyon dumating, magkakaroon muna ng apostasya+ at masisiwalat ang napakasamang tao,+ ang anak ng pagkapuksa.+  Isa siyang kalaban, at itinuturing niya ang sarili niya na mas mataas kaysa sa bawat isa na tinatawag na diyos o anumang bagay na sinasamba, kaya umuupo siya sa templo ng Diyos para ipakita sa mga tao na isa siyang diyos.  Hindi ba ninyo naaalaala na sinasabi ko ito sa inyo noong kasama pa ninyo ako?  At alam na ninyo ngayon kung ano ang nagsisilbing pamigil, nang sa gayon ay maisiwalat siya sa itinakdang panahon para sa kaniya.  Totoo, nagsisimula na nang palihim ang kasamaan ng taong ito,+ pero mananatili itong lihim hanggang sa mawala ang nagsisilbing pamigil.  Pagkatapos, maisisiwalat ang napakasamang tao, na pupuksain ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihang* lumalabas sa kaniyang bibig+ at na lilipulin niya kapag nahayag na+ ang kaniyang presensiya.  Pero si Satanas+ ang nasa likod ng patuloy na pag-iral ng napakasamang taong ito; magsasagawa ito ng makapangyarihang mga gawa, mapanlinlang na mga tanda, himala,+ 10  at iba pang masama at mapandayang bagay+ para sa mga tao na mapupuksa bilang parusa dahil hindi nila tinanggap at inibig ang katotohanang magliligtas sana sa kanila. 11  Kaya hinayaan ng Diyos na linlangin sila ng isang mapandayang impluwensiya para maniwala sila sa kasinungalingan,+ 12  nang sa gayon ay mahatulan silang lahat dahil nasiyahan sila sa kasamaan sa halip na maniwala sa katotohanan. 13  Pero lagi kaming nauudyukan na magpasalamat sa Diyos para sa inyo, mga kapatid na minamahal ni Jehova, dahil sa simula pa lang ay pinili na kayo ng Diyos+ para maligtas. Naging posible ito dahil pinabanal niya kayo+ sa pamamagitan ng kaniyang espiritu at dahil nanampalataya kayo sa katotohanan. 14  Tinawag niya kayo para maligtas sa pamamagitan ng mabuting balita na inihahayag namin, para maluwalhati rin kayong+ gaya ng ating Panginoong Jesu-Kristo.+ 15  Kaya mga kapatid, manatili kayong matatag+ at manghawakan kayo sa mga bagay na itinuro sa inyo,+ sinabi man ito sa inyo o isinulat namin sa aming mga liham. 16  Bukod diyan, ang ating Panginoong Jesu-Kristo mismo at ang Diyos na ating Ama, na nagmamahal sa atin+ at nagbibigay ng walang-hanggang kaaliwan at kamangha-manghang pag-asa+ sa pamamagitan ng walang-kapantay na kabaitan, 17  ay umaliw nawa at magpatatag sa inyo+ para patuloy kayong gumawa at magsalita ng mabubuting bagay.

Talababa

O “makapangyarihang salita na.” Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Study Notes

sa panahon ng kaniyang presensiya: Unang ginamit ang terminong ito sa Mat 24:3, kung saan tinanong si Jesus ng ilan sa mga alagad niya tungkol sa “tanda ng presensiya” niya. Tumutukoy ito sa presensiya ni Jesu-Kristo mula sa panahong iluklok siya sa langit bilang Mesiyanikong Hari sa pasimula ng huling mga araw ng sistemang ito. Ang salitang Griego na isinaling “presensiya” ay pa·rou·siʹa. Sa maraming Bibliya, isinalin itong “pagparito,” pero literal itong nangangahulugang “pagiging nasa tabi.” Ang presensiya niya ay tumutukoy sa isang yugto ng panahon sa halip na sa mismong pagdating. Ang ganitong kahulugan ng pa·rou·siʹa ay makikita sa Mat 24:37-39, kung saan ang “panahon ni Noe . . . bago ang Baha” ay ikinumpara sa “presensiya ng Anak ng tao.” Sa Fil 2:12, ginamit din ni Pablo ang pa·rou·siʹa para tukuyin ang panahong “kasama” siya ng mga kapuwa niya Kristiyano, kabaligtaran ng panahong “wala” siya. (Tingnan ang study note sa 1Co 16:17.) Kaya ipinapaliwanag ni Pablo na ang pagkabuhay-muli tungo sa langit ng mga kay Kristo, o mga pinahirang kapatid niya at kasamang tagapamahala, ay magaganap mga ilang panahon pagkatapos iluklok si Jesus sa langit bilang Hari ng Kaharian ng Diyos.

presensiya ng ating Panginoong Jesu-Kristo: Ang salitang Griego na isinalin ditong “presensiya” ay pa·rou·siʹa, na literal na nangangahulugang “pagiging nasa tabi.” Hindi ito tumutukoy sa mismong pagdating, kundi sa isang yugto ng panahon, na makikilala dahil sa malilinaw na tanda. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa presensiya ni Jesu-Kristo bilang ang Mesiyanikong Hari mula nang iluklok siya sa langit sa pasimula ng mga huling araw ng sistemang ito.—Tingnan ang study note sa 1Co 15:23; Glosari, “Presensiya.”

Ganito lagi ang paraan ko ng pagsulat, para matiyak ninyo na ako ang sumulat nito: Sa dulo ng ilang liham ni Pablo, siya mismo ang sumulat ng huling pagbati niya. (1Co 16:21; Col 4:18) Pero dito, idiniin pa niya na siya talaga ang sumulat ng liham na ito. Posible kasing may natanggap ang mga taga-Tesalonica na isang liham na galing daw kay Pablo at nagpapahiwatig na dumating na “ang araw ni Jehova.” (2Te 2:1, 2) Dahil sa sinabi ni Pablo, siguradong nakumbinsi ang mga taga-Tesalonica na galing talaga sa kaniya ang ikalawang liham na ito.

kumilala ng pananalita mula sa Diyos: Ang pariralang ito, na literal na nangangahulugang “kaunawaan ng espiritu,” ay tumutukoy sa makahimalang kakayahan na maunawaan ang mga kapahayagang mula sa Diyos. Malamang na kasama sa kaloob na ito ang kakayahang malaman kung ang isang kapahayagan ay galing sa Diyos o hindi. Siguradong nakatulong ang kakayahang ito para maprotektahan ang kongregasyon mula sa huwad na mga propeta. (2Co 11:3, 4; 1Ju 4:1) Tiyak na nakatulong din ito sa mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem para malaman kung anong bahagi ng Kautusan ang “kinakailangan” pang sundin ng mga Kristiyano. (Gaw 15:19, 20, 28, 29) Kailangan din ng patnubay ng mga Kristiyano para malaman nila kung anong mga liham at akda ang dapat mabasa ng mga kongregasyon at kung ano ang magiging bahagi ng kanon ng Bibliya. Halimbawa, nang sabihin ni apostol Pedro na “pinipilipit ng mga walang alam at di-matatag” ang mga liham ni Pablo, gaya ng ginagawa nila “sa buong Kasulatan,” ipinahiwatig niya na bahagi ng Kasulatan ang ilang isinulat ni Pablo. (2Pe 3:16) Makasisiguro tayo na ginabayan ng espiritu ng Diyos ang pagpili ng mga aklat na magiging bahagi ng kanon ng Bibliya, at tiyak na ginamit niya dito ang mga Kristiyano na may ganitong kaloob.—2Ti 3:16; tingnan sa Glosari, “Kanon”; “Ruach; Pneuma.”

araw ni Jehova: Sa buong Kasulatan, ang ekspresyong “araw ni Jehova” ay tumutukoy sa partikular na mga panahon kung kailan inilalapat ng Diyos na Jehova ang hatol niya sa kaniyang mga kaaway at niluluwalhati ang dakilang pangalan niya. Ginagamit din sa Hebreong Kasulatan ang ekspresyong ito. (Ang ilang halimbawa ay makikita sa Isa 13:6; Eze 7:19; Joe 1:15; Am 5:18; Ob 15; Zef 1:14; Zac 14:1; Mal 4:5.) Binanggit ni propeta Joel ang pagdating ng “dakila at kamangha-manghang araw ni Jehova.” (Joe 2:31) Sinipi ito ni Pedro noong Pentecostes 33 C.E., gaya ng nakaulat sa Gaw 2:20. (Tingnan ang study note sa Gaw 2:20.) Sa unang katuparan ng hula ni Joel, dumating ang “araw ni Jehova” sa Jerusalem noong 70 C.E. Dito sa 1Te 5:2, ang tinutukoy ni Pablo na paparating na “araw ni Jehova“ ay ang “malaking kapighatian” na inihula ni Jesus sa Mat 24:21.—Para sa paliwanag kung bakit ginamit ang pangalan ng Diyos sa talatang ito, tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 1Te 5:2.

araw ni Jehova: Tingnan ang study note sa 1Te 5:2 at introduksiyon sa Ap. C3; 2Te 2:2.

sa isang pagsisiwalat na parang mula sa Diyos: O “sa isang espiritu.” (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Ang salitang Griego na pneuʹma (madalas isaling “espiritu”) ay tumutukoy kung minsan sa isang paraan ng komunikasyon. Halimbawa, sa talatang ito, binanggit ito kasama ng “isang mensahe na narinig” at “isang liham.” Sa ibang mga talata, isinalin ang salitang Griego na ito bilang “pananalita na mula sa masasamang espiritu,” ‘mensaheng galing sa Diyos,’ at “mensaheng galing sa mga demonyo.”— 1Ti 4:1; 1Ju 4:1, 2, 6; Apo 16:14. Ihambing ang study note sa 1Co 12:10.

sa isang liham na parang galing sa amin: Ipinipilit ng ilan sa kongregasyon sa Tesalonica na halos nandiyan na ang panahon ng presensiya ni Jesu-Kristo. Posible pa nga na may isang liham na galing daw kay Pablo na nagpahiwatig na dumating na “ang araw ni Jehova.” Malamang na iyan ang dahilan kaya idiniin ni Pablo na siya talaga ang sumulat ng ikalawang liham niya. Sinabi niya: “Narito ang aking pagbati, at ako mismong si Pablo ang sumulat nito. Ganito lagi ang paraan ko ng pagsulat, para matiyak ninyo na ako ang sumulat nito.”—Tingnan ang study note sa 2Te 3:17.

palihim ang kasamaan ng taong ito: Ginamit ni Pablo para sa salitang “palihim” ang salitang Griego na my·steʹri·on, na tumutukoy sa isang bagay na lihim at hindi basta-basta mauunawaan. Ganiyan din ang pagkakagamit sa salitang ito sa Apo 17:5, 7. (Para sa impormasyon tungkol sa iba pang paglitaw ng salitang Griegong ito, tingnan ang study note sa Mat 13:11.) Palihim pa noon ang kasamaan ng “napakasamang tao” dahil hindi pa naoorganisa bilang isang grupo ang mga apostata. Pero nagsisimula na nang panahong iyon ang kasamaan ng mga apostata dahil nakapasok na sila sa kongregasyon at naiimpluwensiyahan na nila ang mga kapatid.—Gaw 15:24; tingnan ang study note sa 2Te 2:3.

anak ng pagkapuksa: Sa kontekstong ito, tumutukoy ang ekspresyong ito kay Hudas Iscariote, na naging karapat-dapat sa pagkapuksa magpakailanman at wala nang pag-asang mabuhay muli dahil sa pagtatraidor niya sa Anak ng Diyos. Ginamit din ang ekspresyong ito sa 2Te 2:3 para tumukoy sa “napakasamang tao.” Sa orihinal na wika, ang terminong “anak ng” ay ginagamit kung minsan para tumukoy sa isa na tumatahak sa isang partikular na landasin o kilalá sa isang partikular na katangian. Ang ilang halimbawa ay “anak ng Kataas-taasan,” “anak ng liwanag at anak ng araw,” “anak ng Kaharian,” “anak ng masama,” “anak ng Diyablo,” at “anak ng pagsuway.” (Luc 6:35; 1Te 5:5; Mat 13:38; Gaw 13:10; Efe 2:2, tlb.) Gayundin, ang ekspresyong “anak ng” ay puwedeng tumukoy sa kahihinatnan ng isa o sa hatol na tatanggapin niya dahil sa pagtahak sa isang partikular na landasin o pagpapakita ng isang partikular na katangian. Sa 2Sa 12:5, ang ekspresyong isinaling “dapat mamatay” ay “anak ng kamatayan” sa literal. Sa Mat 23:15, ang literal na ekspresyong “anak ng Gehenna” ay tumutukoy sa isa na karapat-dapat sa pagkapuksa magpakailanman, at lumilitaw na ito ang ibig sabihin ni Jesus nang tawagin niya si Hudas Iscariote na “anak ng pagkapuksa.”—Tingnan ang study note sa Mat 23:15 at Glosari, “Gehenna.”

magkakaroon muna ng apostasya: Nalinlang ang ilang Kristiyano sa Tesalonica may kinalaman sa “presensiya ng ating Panginoong Jesu-Kristo” at “araw ni Jehova.” Kaya ipinaalala sa kanila ni Pablo ang dalawang pangyayari na kailangan munang maganap: (1) Magkakaroon ng apostasya (tingnan ang study note sa apostasya sa talatang ito) at (2) masisiwalat ang “napakasamang tao.” (2Te 2:1-3) Ang inihula ni Pablo tungkol sa paglaganap ng apostasya sa kongregasyong Kristiyano ay kaayon ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa trigo at panirang-damo. (Mat 13:24-30, 36-43) Nagbabala si Pablo na makakapasok ang mga apostata sa kongregasyon; ganiyan din ang sinabi ni apostol Pedro nang maglaon.—Gaw 20:29, 30; 1Ti 4:1-3; 2Ti 4:3, 4; 2Pe 2:1-3.

apostasya: Ang pangngalang Griego na a·po·sta·siʹa na ginamit dito ay galing sa isang pandiwa na literal na nangangahulugang “lumayo.” Ang pangngalan ay puwedeng mangahulugan na “paghiwalay; pag-iwan; pagrerebelde.” Kaya hindi ito tumutukoy sa nangyayari sa isa na napalayo sa katotohanan dahil sa mahinang espirituwalidad o pagdududa. (Tingnan ang study note sa Gaw 21:21.) Sa klasikal na Griego, ginagamit ang pangngalang ito para tumukoy sa pagrerebelde sa gobyerno. Sa kontekstong ito, ginamit ni Pablo ang salitang “apostasya” para tumukoy sa pagrerebelde sa Diyos na magiging laganap bago dumating ang “araw ni Jehova.” (2Te 2:2) Ito ay sadyang pagtalikod sa tunay na pagsamba at paglilingkod sa Diyos.—Tingnan sa Glosari, “Apostasya.”

napakasamang tao: Ang salitang Griego na isinalin ditong ‘napakasama’ ay tumutukoy sa sadyang paglabag sa mga batas. Sa Bibliya, nagpapahiwatig ito ng pagsuway sa mga batas ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mat 24:12.) Sa talatang ito, ipinakita ni Pablo na ang “napakasamang tao” ay apostata. Problema noon ang apostasya sa maraming kongregasyon, kaya lumilitaw na ang “napakasamang tao” dito ay hindi lang tumutukoy sa isang indibidwal, kundi sa isang mapanganib na grupo ng huwad na mga Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:8.) Inihula din ni Pablo na masisiwalat kung sino ang ‘taong’ ito—ilalantad ng grupong ito kung sino sila. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:7.) Sa ilang salin ng Bibliya, “makasalanang tao” ang ginamit, gaya ng mababasa sa ilang manuskrito. Pero ang saling “napakasamang tao” ay batay sa mas lumang mga manuskrito. Kaayon din ng konteksto ang saling ito; sa sumunod lang na mga talata, binanggit ni Pablo na nagsisimula na nang palihim ang “kasamaan” ng taong ito at tinukoy niya ito na “napakasamang tao.”—2Te 2:7, 8.

anak ng pagkapuksa: Ang ekspresyong ito, na puwede ring isaling “anak ng pagkalipol,” ay ginamit para tumukoy sa nagtraidor kay Jesus, si Hudas Iscariote. (Tingnan ang study note sa Ju 17:12.) Kaya ipinapakita dito ni Pablo na ang “napakasamang tao” na binanggit niya ay tatanggap ng walang-hanggang pagkapuksa, gaya ng nangyari sa traidor na si Hudas.

kapag nahayag na ang kaniyang presensiya: Tumutukoy ito, hindi sa buong panahon ng di-nakikitang presensiya ni Kristo, kundi sa isang pangyayari na magaganap sa dulo ng yugtong iyon. Kapag nangyari iyon, mahahayag na sa lahat ang presensiya ni Kristo. (Luc 21:25-28; tingnan sa Glosari, “Presensiya.”) Makikita sa sinabi ni Pablo na ang “napakasamang tao,” na umiiral na noong unang siglo C.E., ay patuloy na iiral hanggang sa panahon ng presensiya ni Kristo. Kaya lumilitaw na hindi lang sa isang indibidwal tumutukoy ang ‘taong’ iyon, kundi sa isang grupo. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:3.) Kapag nailapat na ang hatol ng Diyos sa “napakasamang tao,” hindi lang presensiya ng haring si Kristo ang mahahayag; magiging malinaw rin na paparating na ang “malaking kapighatian” na inihula ni Kristo.—Mat 24:21; tingnan sa Glosari, “Malaking kapighatian.”

kasamaan: Ang salitang Griego dito na isinaling “kasamaan” ay nangangahulugang paglabag at kawalang-respeto ng mga tao sa mga batas, na para bang walang umiiral na mga batas. Sa Bibliya, tumutukoy ito sa paglapastangan sa mga batas ng Diyos.—Mat 7:23; 2Co 6:14; 2Te 2:3-7; 1Ju 3:4.

tumalikod: O “mag-apostata.” Ang pangngalang Griego na a·po·sta·siʹa na ginamit dito ay galing sa pandiwang a·phiʹste·mi, na literal na nangangahulugang “lumayo,” at puwede itong isaling “humiwalay; tumalikod,” depende sa konteksto. (Gaw 19:9; 2Ti 2:19) Ang pangngalan ay puwedeng mangahulugan na “paghiwalay; pag-iwan; pagrerebelde.” Dalawang beses itong lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa 2Te 2:3. Sa klasikal na Griego, ginagamit ang pangngalang ito sa politikal na diwa, at lumilitaw na ganiyan ang pagkakagamit sa anyong pandiwa nito sa Gaw 5:37 may kaugnayan kay Hudas na taga-Galilea, na “nakahikayat [isang anyo ng a·phiʹste·mi] . . . ng mga tagasunod.” Ganiyan din ang pagkakagamit ng Septuagint sa pandiwang ito sa Gen 14:4, at ginamit nito ang pangngalang a·po·sta·siʹa sa Jos 22:22; 2Cr 29:19; at Jer 2:19 bilang panumbas sa mga ekspresyong Hebreo para sa “pagrerebelde” at “pagtataksil.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pangngalang a·po·sta·siʹa ay pangunahing ginagamit para sa pagtalikod sa relihiyon, sa pag-iwan sa tunay na pagsamba at paghinto sa paglilingkod sa Diyos, sa pagtatakwil sa dating pinaniniwalaan ng isa, o sa lubusang pagtalikod sa mga prinsipyo o pananampalataya.

itinuturing niya ang sarili niya na mas mataas kaysa sa bawat isa na tinatawag na diyos o anumang bagay na sinasamba: Ang pariralang “anumang bagay na sinasamba” ay ipinanumbas sa salitang Griego na puwede ring isaling “anumang bagay na lubhang iginagalang.” Ipinapahiwatig dito ni Pablo na itataas ng “napakasamang tao” ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay na salungat sa mga turo ng Diyos. (2Te 2:3) Posibleng kasama sa “bawat isa na tinatawag na diyos” ang makapangyarihang mga tao, gaya ng mga opisyal ng gobyerno. (Ihambing ang Ju 10:34-36.) Kaya ipinapahiwatig dito ni Pablo na ang mayabang na ‘taong’ ito ay aasta na parang walang puwedeng kumuwestiyon sa mga turo niya.

umuupo siya sa templo ng Diyos: Lumilitaw na idiniriin dito ni Pablo ang pagiging mapagkunwari ng “napakasamang tao.” (2Te 2:3) Ang totoo, hindi siya puwedeng umupo sa templo ng Diyos (o “tirahan ng Diyos”), pero nagkukunwari siyang nagagawa niya ito. Ang pagkakagamit dito ni Pablo ng tiyak na Griegong pantukoy bago ang salitang “Diyos” ay nagpapakitang inaangkin ng ‘taong’ ito na kinatawan siya ng tunay na Diyos.

Hindi ba ninyo naaalaala . . . ?: Dumalaw si Pablo sa kongregasyon ng Tesalonica noong mga 50 C.E., at di-nagtagal, isinulat niya ang liham na ito habang nasa Corinto siya, posibleng noong mga 51 C.E. (Gaw 18:11) Dito, ipinapaalala ni Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica na nagbigay na rin siya ng ganitong mga babala noong kasama nila siya.

ang nagsisilbing pamigil: O “ang nagsisilbing pamigil sa ngayon.” Inulit dito ni Pablo ang salitang Griego para sa “nagsisilbing pamigil” sa naunang talata, pero idinagdag niya ang ekspresyong “sa ngayon.” Malamang na ang tinutukoy niyang pamigil ay ang mga apostol. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:6.) Pagkalipas ng maraming taon, noong mga 98 C.E., ipinahiwatig ni apostol Juan na iyon na ang “huling oras” ng mga apostol at na laganap na ang apostasya. (1Ju 2:18) ‘Nawala’ na ang huling pamigil sa apostasya nang mamatay si Juan noong mga 100 C.E.

kung ano ang nagsisilbing pamigil: Lumilitaw na ang tinutukoy dito ni Pablo na pamigil ay ang tapat na mga apostol bilang isang grupo. Ang mga sinabi ni Pablo, gaya ng mababasa rito at sa iba pang isinulat niya, ay nagpapakita ng sigasig niya sa pagpigil sa paglaganap ng apostasya. (Tingnan din ang Gaw 20:29, 30; 1Ti 4:1-3; 2Ti 2:16, 17; 4:2, 4.) Sinikap ding labanan ni apostol Pedro ang nakalalasong impluwensiyang ito. (2Pe 2:1-3) Pagkalipas ng maraming taon, kahit matanda na si apostol Juan, nilalabanan pa rin niya ang apostasya, pero nagbabala siya na laganap na ito sa mga kongregasyon. (1Ju 2:18; 2Ju 7) Ipinapahiwatig dito ni Pablo na masisiwalat ang “napakasamang tao” kapag ‘wala’ na ang pamigil.—2Te 2:3; tingnan ang study note sa 2Te 2:7.

palihim ang kasamaan ng taong ito: Ginamit ni Pablo para sa salitang “palihim” ang salitang Griego na my·steʹri·on, na tumutukoy sa isang bagay na lihim at hindi basta-basta mauunawaan. Ganiyan din ang pagkakagamit sa salitang ito sa Apo 17:5, 7. (Para sa impormasyon tungkol sa iba pang paglitaw ng salitang Griegong ito, tingnan ang study note sa Mat 13:11.) Palihim pa noon ang kasamaan ng “napakasamang tao” dahil hindi pa naoorganisa bilang isang grupo ang mga apostata. Pero nagsisimula na nang panahong iyon ang kasamaan ng mga apostata dahil nakapasok na sila sa kongregasyon at naiimpluwensiyahan na nila ang mga kapatid.—Gaw 15:24; tingnan ang study note sa 2Te 2:3.

ang nagsisilbing pamigil: O “ang nagsisilbing pamigil sa ngayon.” Inulit dito ni Pablo ang salitang Griego para sa “nagsisilbing pamigil” sa naunang talata, pero idinagdag niya ang ekspresyong “sa ngayon.” Malamang na ang tinutukoy niyang pamigil ay ang mga apostol. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:6.) Pagkalipas ng maraming taon, noong mga 98 C.E., ipinahiwatig ni apostol Juan na iyon na ang “huling oras” ng mga apostol at na laganap na ang apostasya. (1Ju 2:18) ‘Nawala’ na ang huling pamigil sa apostasya nang mamatay si Juan noong mga 100 C.E.

kung ano ang nagsisilbing pamigil: Lumilitaw na ang tinutukoy dito ni Pablo na pamigil ay ang tapat na mga apostol bilang isang grupo. Ang mga sinabi ni Pablo, gaya ng mababasa rito at sa iba pang isinulat niya, ay nagpapakita ng sigasig niya sa pagpigil sa paglaganap ng apostasya. (Tingnan din ang Gaw 20:29, 30; 1Ti 4:1-3; 2Ti 2:16, 17; 4:2, 4.) Sinikap ding labanan ni apostol Pedro ang nakalalasong impluwensiyang ito. (2Pe 2:1-3) Pagkalipas ng maraming taon, kahit matanda na si apostol Juan, nilalabanan pa rin niya ang apostasya, pero nagbabala siya na laganap na ito sa mga kongregasyon. (1Ju 2:18; 2Ju 7) Ipinapahiwatig dito ni Pablo na masisiwalat ang “napakasamang tao” kapag ‘wala’ na ang pamigil.—2Te 2:3; tingnan ang study note sa 2Te 2:7.

napakasamang tao: Ang salitang Griego na isinalin ditong ‘napakasama’ ay tumutukoy sa sadyang paglabag sa mga batas. Sa Bibliya, nagpapahiwatig ito ng pagsuway sa mga batas ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mat 24:12.) Sa talatang ito, ipinakita ni Pablo na ang “napakasamang tao” ay apostata. Problema noon ang apostasya sa maraming kongregasyon, kaya lumilitaw na ang “napakasamang tao” dito ay hindi lang tumutukoy sa isang indibidwal, kundi sa isang mapanganib na grupo ng huwad na mga Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:8.) Inihula din ni Pablo na masisiwalat kung sino ang ‘taong’ ito—ilalantad ng grupong ito kung sino sila. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:7.) Sa ilang salin ng Bibliya, “makasalanang tao” ang ginamit, gaya ng mababasa sa ilang manuskrito. Pero ang saling “napakasamang tao” ay batay sa mas lumang mga manuskrito. Kaayon din ng konteksto ang saling ito; sa sumunod lang na mga talata, binanggit ni Pablo na nagsisimula na nang palihim ang “kasamaan” ng taong ito at tinukoy niya ito na “napakasamang tao.”—2Te 2:7, 8.

mga sagradong lihim: Ang salitang Griego na my·steʹri·on ay 25 beses na isinaling “sagradong lihim” sa Bagong Sanlibutang Salin. Dahil nasa anyong pangmaramihan ito, tumutukoy ito sa mga bahagi ng layunin ng Diyos na nanatiling lihim hanggang sa lubusan itong isiwalat ng Diyos. At isinisiwalat lang ito ng Diyos sa mga pinili niyang makaunawa nito. (Col 1:25, 26) Kapag naisiwalat na, ang mga sagradong lihim ng Diyos ay inihahayag sa pinakamaraming tao hangga’t posible. Masasabi natin iyan dahil ginamit sa Bibliya ang mga terminong “inihahayag,” “maihayag,” “ipaalám,” “isiniwalat,” at “pangangaral” na kaugnay ng ekspresyong “sagradong lihim.” (1Co 2:1; Efe 1:9; 3:3; Col 1:25, 26; 4:3) Ang pangunahing “sagradong lihim ng Diyos” ay nakasentro sa pagkakakilanlan ni Jesu-Kristo bilang ang ipinangakong “supling,” o Mesiyas. (Col 2:2; Gen 3:15) Pero maraming bahagi ang sagradong lihim na ito, gaya ng papel na ginagampanan ni Jesus sa layunin ng Diyos. (Col 4:3) Ipinakita ni Jesus sa tekstong ito na ang “mga sagradong lihim” ay kaugnay ng Kaharian ng langit, o “Kaharian ng Diyos,” ang gobyerno sa langit kung saan namamahala si Jesus bilang Hari. (Mar 4:11; Luc 8:10; tingnan ang study note sa Mat 3:2.) Iba ang pagkakagamit ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa my·steʹri·on sa pagkakagamit dito ng sinaunang mga kulto. Ang mga kultong iyon, na karaniwan nang may kaugnayan sa pag-aanak na lumaganap noong unang siglo C.E., ay nangangako sa mga miyembro nito na makakatanggap sila ng imortalidad at direktang pagsisiwalat at na makakalapit sila sa mga diyos sa pamamagitan ng mga ritwal. Maliwanag na hindi batay sa katotohanan ang gayong mga lihim. Ang mga umaanib sa mga kultong iyon ay nananatang hindi nila sasabihin kahit kanino ang mga lihim kaya nananatili itong misteryo. Kabaligtaran iyan ng ginagawa ng mga Kristiyano na paghahayag ng mga sagradong lihim. Kapag ginamit ng Kasulatan ang terminong ito may kaugnayan sa huwad na pagsamba, isinasalin itong “palihim” o “misteryo” sa Bagong Sanlibutang Salin.—Para sa tatlong paglitaw ng my·steʹri·on na isinaling “palihim” o “misteryo,” tingnan ang study note sa 2Te 2:7; Apo 17:5, 7.

napakasamang tao: Ang salitang Griego na isinalin ditong ‘napakasama’ ay tumutukoy sa sadyang paglabag sa mga batas. Sa Bibliya, nagpapahiwatig ito ng pagsuway sa mga batas ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mat 24:12.) Sa talatang ito, ipinakita ni Pablo na ang “napakasamang tao” ay apostata. Problema noon ang apostasya sa maraming kongregasyon, kaya lumilitaw na ang “napakasamang tao” dito ay hindi lang tumutukoy sa isang indibidwal, kundi sa isang mapanganib na grupo ng huwad na mga Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:8.) Inihula din ni Pablo na masisiwalat kung sino ang ‘taong’ ito—ilalantad ng grupong ito kung sino sila. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:7.) Sa ilang salin ng Bibliya, “makasalanang tao” ang ginamit, gaya ng mababasa sa ilang manuskrito. Pero ang saling “napakasamang tao” ay batay sa mas lumang mga manuskrito. Kaayon din ng konteksto ang saling ito; sa sumunod lang na mga talata, binanggit ni Pablo na nagsisimula na nang palihim ang “kasamaan” ng taong ito at tinukoy niya ito na “napakasamang tao.”—2Te 2:7, 8.

napakasamang tao: Ito rin ang “napakasamang tao” na binanggit ni Pablo sa 2Te 2:3.—Tingnan ang study note.

sa pamamagitan ng kapangyarihang lumalabas sa kaniyang bibig: Bilang “Salita ng Diyos,” si Jesus ang pangunahing tagapagsalita ni Jehova. (Apo 19:13; tingnan ang study note sa Ju 1:1.) Dahil sa awtoridad na ibinigay ni Jehova kay Jesus bilang Mesiyanikong Hari, siya ang maghahayag ng hatol ng Diyos laban sa lahat ng kaaway ni Jehova, kasama na ang “napakasamang tao.”—Ihambing ang Isa 11:3, 4; Apo 19:14-16, 21.

kapag nahayag na ang kaniyang presensiya: Tumutukoy ito, hindi sa buong panahon ng di-nakikitang presensiya ni Kristo, kundi sa isang pangyayari na magaganap sa dulo ng yugtong iyon. Kapag nangyari iyon, mahahayag na sa lahat ang presensiya ni Kristo. (Luc 21:25-28; tingnan sa Glosari, “Presensiya.”) Makikita sa sinabi ni Pablo na ang “napakasamang tao,” na umiiral na noong unang siglo C.E., ay patuloy na iiral hanggang sa panahon ng presensiya ni Kristo. Kaya lumilitaw na hindi lang sa isang indibidwal tumutukoy ang ‘taong’ iyon, kundi sa isang grupo. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:3.) Kapag nailapat na ang hatol ng Diyos sa “napakasamang tao,” hindi lang presensiya ng haring si Kristo ang mahahayag; magiging malinaw rin na paparating na ang “malaking kapighatian” na inihula ni Kristo.—Mat 24:21; tingnan sa Glosari, “Malaking kapighatian.”

napakasamang tao: Ang salitang Griego na isinalin ditong ‘napakasama’ ay tumutukoy sa sadyang paglabag sa mga batas. Sa Bibliya, nagpapahiwatig ito ng pagsuway sa mga batas ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mat 24:12.) Sa talatang ito, ipinakita ni Pablo na ang “napakasamang tao” ay apostata. Problema noon ang apostasya sa maraming kongregasyon, kaya lumilitaw na ang “napakasamang tao” dito ay hindi lang tumutukoy sa isang indibidwal, kundi sa isang mapanganib na grupo ng huwad na mga Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:8.) Inihula din ni Pablo na masisiwalat kung sino ang ‘taong’ ito—ilalantad ng grupong ito kung sino sila. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:7.) Sa ilang salin ng Bibliya, “makasalanang tao” ang ginamit, gaya ng mababasa sa ilang manuskrito. Pero ang saling “napakasamang tao” ay batay sa mas lumang mga manuskrito. Kaayon din ng konteksto ang saling ito; sa sumunod lang na mga talata, binanggit ni Pablo na nagsisimula na nang palihim ang “kasamaan” ng taong ito at tinukoy niya ito na “napakasamang tao.”—2Te 2:7, 8.

ang Salita: O “ang Logos.” Sa Griego, ho loʹgos. Ginamit ito bilang titulo sa tekstong ito, sa Ju 1:14, at sa Apo 19:13. Sinabi ni Juan kung kanino tumutukoy ang titulong ito, kay Jesus. Titulo ito ni Jesus noong espiritung nilalang pa siya bago bumaba sa lupa, noong ministeryo niya sa lupa bilang perpektong tao, at pagkatapos niyang bumalik sa langit. Si Jesus ang Salita, o Tagapagsalita, ng Diyos na naghahatid ng impormasyon at tagubilin sa iba pang espiritung anak ng Maylalang at sa mga tao. Kaya makatuwiran lang isipin na bago bumaba si Jesus sa lupa, maraming beses na nakipag-usap si Jehova sa mga tao sa pamamagitan ng Salita, ang anghel na tagapagsalita Niya.​—Gen 16:7-11; 22:11; 31:11; Exo 3:2-5; Huk 2:1-4; 6:11, 12; 13:3.

tanda: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na teʹras ay palaging ginagamit kasama ng se·meiʹon (“himala”), na parehong nasa anyong pangmaramihan. (Mat 24:24; Ju 4:48; Gaw 7:36; 14:3; 15:12; 2Co 12:12) Ang teʹras ay pangunahin nang tumutukoy sa anumang bagay na kamangha-mangha.

si Satanas ang nasa likod: Ang salitang Griego na isinalin ditong “nasa likod” ay puwede ring isaling “may kagagawan.” Sinasabi ng isang reperensiya na sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong ito ay “tumutukoy lang sa kapangyarihang nakahihigit sa taglay ng tao, mula man ito sa Diyos o sa diyablo.” Kaya ipinapakita dito ni Pablo na ang kapangyarihan ni Satanas ang nagpapakilos sa “napakasamang tao.” (2Te 2:3) Isa pa, ang “Satanas” ay salitang Hebreo na nangangahulugang “kalaban,” at nilalabanan ng “napakasamang tao” ang mga turo ni Jehova at ang bayan Niya.—Tingnan ang study note sa Mat 4:10.

pag-iral ng napakasamang taong ito: Ang tekstong Griego na ginamit dito ay puwedeng literal na isaling “pag-iral niya.” Maliwanag sa konteksto na ang salitang Griego na ginamit dito, pa·rou·siʹa, ay hindi tumutukoy sa presensiya ni Kristo, kundi sa pag-iral ng “napakasamang tao,” na binanggit sa naunang talata.

himala: Nakagawa ng mga himala, tanda, at kamangha-manghang bagay ang tunay na mga apostol ni Kristo dahil sa banal na espiritu ng Diyos. (Gaw 2:43; 5:12; 15:12; 2Co 12:12) Pero ang mga tanda at himalang nagagawa ng “napakasamang tao” ay patunay naman ng kapangyarihan ni Satanas. (2Te 2:3) Mapanlinlang ang ginagawa nilang mga “himala” dahil posibleng hindi naman talaga totoo ang mga ito o pinagmumukha nila itong galing sa Diyos. (2Te 2:10, 11) Inilalayo nila ang mga tao mula kay Jehova, ang pinagmumulan ng buhay, at sa daan tungo sa buhay na walang hanggan.—Ihambing ang Mat 7:22, 23; 2Co 11:3, 12-15; tingnan ang study note sa Gaw 2:19.

Satanas: Mula sa salitang Hebreo na sa·tanʹ, na nangangahulugang “kalaban,” o “mananalansang.”

mapandayang: O “makalamang; mapang-akit na.” Ang terminong Griego na isinalin ditong ‘mapandaya’ ay ginagamit kung minsan para tumukoy sa makalamang mga pagnanasa. Kaya sa ganitong pandaraya, sinasamantala ng isa ang makasalanan at materyalistikong mga pagnanasa ng iba.—Tingnan ang study note sa Col 2:8.

mapanlinlang . . . na mga ideya: O “mapang-akit . . . na mga ideya.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay isinalin ding “mapandayang kapangyarihan” (Mat 13:22; Heb 3:13) at “mga turong mapanlinlang” (2Pe 2:13).

minamahal ni Jehova: Sinasabi dito ni Pablo sa mga kapananampalataya niya sa Tesalonica na ipinagpapasalamat niya sila sa Diyos at na mahal sila ng Diyos na Jehova. Gumamit din si Pablo ng isang kahawig na ekspresyon sa 1Te 1:4, kung saan tinawag niya ang mga kapatid niya na mga “minamahal ng Diyos.” Posibleng galing ang mga ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan, kung saan binanggit din ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos na Jehova para sa bayan niya.—Deu 7:7, 8; 33:12; para sa paliwanag kung bakit ginamit dito ang pangalan ng Diyos, tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 2Te 2:13.

itinuro: O “tradisyong ibinigay.” Ang salitang Griego na pa·raʹdo·sis, na isinalin ditong “itinuro,” ay tumutukoy sa isang bagay na ipinasa, gaya ng impormasyon, tagubilin, o mga kaugaliang ipinapasunod sa iba. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ginagamit kung minsan ang salitang ito para tumukoy sa kapaki-pakinabang na mga tradisyon, o mga tradisyong katanggap-tanggap sa tunay na pagsamba. (2Te 2:15; 3:6) Halimbawa, ang impormasyong natanggap ni apostol Pablo tungkol sa pagdaraos ng Hapunan ng Panginoon ay angkop lang na ipasa sa mga kongregasyong Kristiyano bilang katanggap-tanggap na tradisyon. (1Co 11:23) Pero madalas ding gamitin ang ekspresyong Griegong ito para tumukoy sa maling mga tradisyon o sa mga tradisyong nagiging kuwestiyunable o pabigat dahil sa pagiging panatiko ng mga tao sa pagsunod dito.—Mat 15:2, 3; Mar 7:3, 5, 13; Col 2:8.

mga bagay na itinuro sa inyo: Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang mga tradisyong katanggap-tanggap sa tunay na pagsamba.—Tingnan ang study note sa 1Co 11:2.

walang-hanggang kaaliwan: Ang salitang Griego na isinalin ditong “kaaliwan” (pa·raʹkle·sis) ay literal na nangangahulugang “pagtawag sa isa para tabihan ka.” (Tingnan ang study note sa 2Co 1:3.) Nagbibigay si Jehova ng kaaliwang ‘walang hanggan,’ o permanente.—Tingnan ang study note sa 2Te 2:17.

umaliw nawa . . . sa inyo: Sa kahilingang ito ni Pablo, ginamit niya ang pandiwang Griego na pa·ra·ka·leʹo, na isinalin ditong “umaliw” at literal na nangangahulugang “tawagin ang isa para tabihan ka.” (Tingnan ang study note sa Ro 12:8.) Matapos sabihin ni Pablo sa talata 16 ang tungkol sa “Diyos . . . na nagmamahal sa atin,” iniugnay niya ang pagkakaroon ng kaaliwan sa katotohanang mahal ni Jehova ang mga lingkod niya. (Ro 8:32, 38, 39; Efe 1:7; 2:4, 5) Siguradong napatibay ng paalalang ito ang mga Kristiyano sa Tesalonica na pinag-uusig noon.—2Te 1:4.

ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan sa anumang sitwasyon: Ang pangngalang Griego na pa·raʹkle·sis, na isinalin ditong “kaaliwan,” ay literal na nangangahulugang “pagtawag sa isa para tabihan ka.” Maiisip dito ang isang tao na nakatayo sa tabi ng kapuwa niya para tulungan o patibayin ito kapag nalulungkot o may problema. (Tingnan ang study note sa Ro 12:8.) Sinasabi ng ilan na noong idiin ni Pablo ang kaaliwan mula sa Diyos, nasa isip niya ang Isa 40:1, kung saan isinulat ng propeta: “‘Aliwin ninyo, aliwin ninyo ang bayan ko,’ ang sabi ng inyong Diyos.” (Tingnan din ang Isa 51:12.) Isa pa, ang kaugnay na terminong Griego na isinaling “katulong” (pa·raʹkle·tos) sa Ju 14:26 ay tumutukoy sa banal na espiritu ni Jehova. Ginagamit ng Diyos ang aktibong puwersa niya para aliwin at tulungan ang mga tao na para bang wala nang pag-asang makaalis sa mahirap na sitwasyon nila.—Gaw 9:31; Efe 3:16.

umaliw nawa . . . sa inyo: Sa kahilingang ito ni Pablo, ginamit niya ang pandiwang Griego na pa·ra·ka·leʹo, na isinalin ditong “umaliw” at literal na nangangahulugang “tawagin ang isa para tabihan ka.” (Tingnan ang study note sa Ro 12:8.) Matapos sabihin ni Pablo sa talata 16 ang tungkol sa “Diyos . . . na nagmamahal sa atin,” iniugnay niya ang pagkakaroon ng kaaliwan sa katotohanang mahal ni Jehova ang mga lingkod niya. (Ro 8:32, 38, 39; Efe 1:7; 2:4, 5) Siguradong napatibay ng paalalang ito ang mga Kristiyano sa Tesalonica na pinag-uusig noon.—2Te 1:4.

pagpapatibay: O “pagpapayo.” Ang salitang Griego na pa·ra·ka·leʹo ay literal na nangangahulugang “tawagin ang isa para tabihan ka.” Malawak ang kahulugan nito at puwedeng tumukoy sa pagpapatibay (Gaw 11:23; 14:22; 15:32; 1Te 5:11; Heb 10:25); pag-aliw (2Co 1:4; 2:7; 7:6; 2Te 2:17); at sa ilang konteksto ay sa pagbibigay ng matinding payo (Gaw 2:40; Ro 15:30; 1Co 1:10; Fil 4:2; 1Te 5:14; 2Ti 4:2; Tit 1:9, tlb.). Dahil magkakaugnay ang pagpapayo, pag-aliw, at pagpapatibay, ipinapakita nito na kahit kailan, ang isang Kristiyano ay hindi dapat magpayo sa paraang masakit at walang galang.

Media