Unang Liham kay Timoteo 5:1-25
Talababa
Study Notes
Media

Makikita sa mga larawang ito, na kinuha noong pasimula ng ika-20 siglo, ang isang magsasaka na gumagamit ng bakang may busal para sa paggigiik ng butil. Para mahiwalay ang trigo mula sa ipa, ang mga butil ay pinapadaanan ng mga magsasaka sa mga torong may hilang panggiik. Dahil may busal ang hayop, hindi ito nakakakain habang nagtatrabaho. Mahal ni Jehova ang mga hayop, kaya ipinagbawal ng Kautusang Mosaiko ang gawaing ito. (Deu 25:4) Napakahirap para sa isang gutom na hayop kung hindi ito puwedeng kumain habang nagtatrabaho malapit sa mga butil. Ginamit ni apostol Pablo ang prinsipyo sa likod ng utos na ito nang sabihin niyang karapat-dapat ang masisipag na mga ministrong Kristiyano na tumanggap ng karangalan at materyal na suporta mula sa iba.—1Co 9:9-14; 1Ti 5:17, 18.

Makikita sa larawan ang luwad na banga na tinatawag na amphora. Iba-iba ang laki ng ganitong mga banga; ang nasa larawan ay mga 100 cm (40 in) ang taas at makapaglalaman ng mga 28 L (7 gal) ng alak. Dahil patulis ang ibabang bahagi ng ganitong uri ng amphora, naisasalansan ito nang maayos sa lagayan ng kargamento sa barko. Napakahalaga ng alak noon sa mga Griego at Romano. Ang mga Griego, Romano, at Judio, anuman ang katayuan nila sa buhay, ay umiinom ng alak. Karaniwan nang hinahaluan ito ng tubig. Kadalasan nang marumi ang tubig noon, at ang alak ang nagsisilbing pamatay-mikrobyo. Pinayuhan ni apostol Pablo si Timoteo: “Huwag lang tubig ang inumin mo; uminom ka ng kaunting alak para sa sikmura mo at dahil sa madalas mong pagkakasakit.”—1Ti 5:23, tlb.