Unang Liham ni Juan 1:1-10

1  Sumulat kami sa inyo tungkol sa salita ng buhay,+ na mula pa sa pasimula, na narinig namin, na nakita ng sarili naming mga mata, na napagmasdan namin at nahipo ng mga kamay namin,  (oo, ang buhay ay nahayag, at nakita namin at pinapatotohanan+ at iniuulat sa inyo ang buhay na walang hanggan+ na nakasama ng Ama at nahayag sa amin),  at iniuulat namin sa inyo ang nakita at narinig namin,+ para kayo rin ay maging kaisa* namin, at sa gayon ay maging kaisa kayo ng Ama at ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo gaya namin.+  Kaya isinulat namin ang mga bagay na ito para malubos ang kagalakan natin.  Ito ang mensaheng narinig namin mula sa kaniya at inihahayag sa inyo: Ang Diyos ay liwanag,+ at walang anumang kadiliman sa kaniya.*  Kung sasabihin natin, “Nakikiisa tayo sa kaniya,” pero patuloy tayong lumalakad sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi tayo namumuhay ayon sa katotohanan.+  Gayunman, kung lumalakad tayo sa liwanag gaya niya na nasa liwanag, nagkakaisa nga tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak mula sa lahat ng kasalanan.+  Kung sasabihin natin, “Wala tayong kasalanan,” dinaraya natin ang sarili natin+ at wala sa atin ang katotohanan.  Kung ipagtatapat natin ang mga kasalanan natin, patatawarin niya tayo sa ating mga kasalanan at lilinisin mula sa lahat ng kasamaan,+ dahil siya ay tapat at matuwid. 10  Kung sasabihin natin, “Hindi tayo nagkasala,” ginagawa natin siyang sinungaling, at wala sa atin ang salita niya.

Talababa

O “ay makasama.”
O “kadiliman kung kaisa niya.”

Study Notes

Media