Nehemias 7:1-73
7 At nangyari, nang ang pader ay muling maitayo,+ kaagad kong inilagay ang mga pinto.+ Pagkatapos ay inatasan ang mga bantay ng pintuang-daan+ at ang mga mang-aawit+ at ang mga Levita.+
2 At inatasan ko upang mamahala sa Jerusalem si Hanani+ na aking kapatid at si Hananias na prinsipe ng Kastilyo,+ sapagkat siya ay isa ngang mapagkakatiwalaang+ lalaki at natatakot+ sa tunay na Diyos nang higit kaysa sa marami pang iba.
3 Kaya sinabi ko sa kanila: “Huwag buksan ang mga pintuang-daan+ ng Jerusalem hanggang sa uminit ang araw; at habang nakatayo sila sa tabi ay isara nila ang mga pinto at itrangka ang mga iyon.+ At maglagay ng mga bantay mula sa mga tumatahan sa Jerusalem, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling pinagbabantayan at ang bawat isa ay sa harap ng kaniyang sariling bahay.”+
4 At ang lunsod ay maluwang at malaki, at kakaunti ang mga tao sa loob nito,+ at walang mga bahay na nakatayo.
5 Ngunit inilagay ng aking Diyos sa aking puso+ na tipunin ko ang mga taong mahal at ang mga kinatawang tagapamahala at ang bayan upang magpatala sila sa talaangkanan.+ Pagkatapos ay nasumpungan ko ang aklat ng talaangkanan+ niyaong mga umahon noong una, at nasumpungan kong nakasulat doon:
6 Ito ang mga anak ng nasasakupang distrito+ na umahon mula sa pagkabihag+ ng itinapong bayan na dinala ni Nabucodonosor+ na hari ng Babilonya sa pagkatapon+ at nang maglaon ay siyang bumalik sa Jerusalem at sa Juda, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling lunsod;+
7 yaong mga dumating na kasama ni Zerubabel,+ si Jesua,+ si Nehemias, si Azarias, si Raamias, si Nahamani, si Mardokeo,+ si Bilsan, si Misperet, si Bigvai, si Nehum, si Baanah.
Ang bilang ng mga lalaki ng bayan ng Israel:
8 Ang mga anak ni Paros,+ dalawang libo isang daan at pitumpu’t dalawa;
9 ang mga anak ni Sepatias,+ tatlong daan at pitumpu’t dalawa;
10 ang mga anak ni Arah,+ anim na raan at limampu’t dalawa;
11 ang mga anak ni Pahat-moab,+ mula sa mga anak ni Jesua at ni Joab,+ dalawang libo walong daan at labingwalo;
12 ang mga anak ni Elam,+ isang libo dalawang daan at limampu’t apat;
13 ang mga anak ni Zatu,+ walong daan at apatnapu’t lima;
14 ang mga anak ni Zacai,+ pitong daan at animnapu;
15 ang mga anak ni Binui,+ anim na raan at apatnapu’t walo;
16 ang mga anak ni Bebai,+ anim na raan at dalawampu’t walo;
17 ang mga anak ni Azgad,+ dalawang libo tatlong daan at dalawampu’t dalawa;
18 ang mga anak ni Adonikam,+ anim na raan at animnapu’t pito;
19 ang mga anak ni Bigvai,+ dalawang libo at animnapu’t pito;
20 ang mga anak ni Adin,+ anim na raan at limampu’t lima;
21 ang mga anak ni Ater,+ mula kay Hezekias, siyamnapu’t walo;
22 ang mga anak ni Hasum,+ tatlong daan at dalawampu’t walo;
23 ang mga anak ni Bezai,+ tatlong daan at dalawampu’t apat;
24 ang mga anak ni Harip,+ isang daan at labindalawa;
25 ang mga anak ni Gibeon,+ siyamnapu’t lima;
26 ang mga lalaki ng Betlehem+ at ng Netopa,+ isang daan at walumpu’t walo;
27 ang mga lalaki ng Anatot,+ isang daan at dalawampu’t walo;
28 ang mga lalaki ng Bet-azmavet,+ apatnapu’t dalawa;
29 ang mga lalaki ng Kiriat-jearim,+ ng Kepira+ at ng Beerot,+ pitong daan at apatnapu’t tatlo;
30 ang mga lalaki ng Rama+ at ng Geba,+ anim na raan at dalawampu’t isa;
31 ang mga lalaki ng Micmas,+ isang daan at dalawampu’t dalawa;
32 ang mga lalaki ng Bethel+ at ng Ai,+ isang daan at dalawampu’t tatlo;
33 ang mga lalaki ng isa pang Nebo,+ limampu’t dalawa;
34 ang mga anak ng isa pang Elam,+ isang libo dalawang daan at limampu’t apat;
35 ang mga anak ni Harim,+ tatlong daan at dalawampu;
36 ang mga anak ng Jerico,+ tatlong daan at apatnapu’t lima;
37 ang mga anak ng Lod,+ ng Hadid+ at ng Ono,+ pitong daan at dalawampu’t isa;
38 ang mga anak ng Senaa,+ tatlong libo siyam na raan at tatlumpu.
39 Ang mga saserdote: Ang mga anak ni Jedaias+ mula sa sambahayan ni Jesua, siyam na raan at pitumpu’t tatlo;
40 ang mga anak ni Imer,+ isang libo at limampu’t dalawa;
41 ang mga anak ni Pasur,+ isang libo dalawang daan at apatnapu’t pito;
42 ang mga anak ni Harim,+ isang libo at labimpito.
43 Ang mga Levita: Ang mga anak ni Jesua, mula kay Kadmiel,+ sa mga anak ni Hodeva,+ pitumpu’t apat.
44 Ang mga mang-aawit,+ ang mga anak ni Asap,+ isang daan at apatnapu’t walo.
45 Ang mga bantay ng pintuang-daan,+ ang mga anak ni Salum,+ ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon,+ ang mga anak ni Akub,+ ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai,+ isang daan at tatlumpu’t walo.
46 Ang mga Netineo:+ Ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasupa, ang mga anak ni Tabaot,+
47 ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Sia, ang mga anak ni Padon,+
48 ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba,+ ang mga anak ni Salmai,
49 ang mga anak ni Hanan,+ ang mga anak ni Gidel, ang mga anak ni Gahar,
50 ang mga anak ni Reaias,+ ang mga anak ni Rezin,+ ang mga anak ni Nekoda,
51 ang mga anak ni Gazam, ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea,
52 ang mga anak ni Besai,+ ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nepusesim,+
53 ang mga anak ni Bakbuk, ang mga anak ni Hakupa, ang mga anak ni Harhur,+
54 ang mga anak ni Bazlit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa,+
55 ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Temah,+
56 ang mga anak ni Nezias, ang mga anak ni Hatipa.+
57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon:+ Ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soperet, ang mga anak ni Perida,+
58 ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Gidel,+
59 ang mga anak ni Sepatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pokeret-hazebaim, ang mga anak ni Amon.+
60 Ang lahat ng Netineo+ at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay tatlong daan at siyamnapu’t dalawa.
61 At ito ang mga umahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Adon at Imer,+ at hindi nila masabi ang sambahayan ng kanilang mga ama at ang kanilang pinanggalingan, kung sila ay mula sa Israel:
62 ang mga anak ni Delaias, ang mga anak ni Tobia, ang mga anak ni Nekoda,+ anim na raan at apatnapu’t dalawa.
63 At sa mga saserdote:+ ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz,+ ang mga anak ni Barzilai,+ na kumuha ng asawa mula sa mga anak na babae ni Barzilai+ na Gileadita at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
64 Ito ang mga naghanap ng kanilang pagkakarehistro, upang mapatunayan sa madla ang kanilang talaangkanan, at hindi iyon nasumpungan,+ kung kaya pinagbawalan sila bilang narumhan mula sa pagkasaserdote.+
65 Dahil dito ay sinabi sa kanila ng Tirsata+ na hindi sila dapat kumain+ mula sa mga kabanal-banalang bagay hanggang sa ang saserdote na may Urim+ at Tumim+ ay tumayo.
66 Ang buong kongregasyon bilang isang pangkat ay apatnapu’t dalawang libo tatlong daan at animnapu,+
67 bukod pa sa kanilang mga aliping lalaki+ at sa kanilang mga aliping babae, ang mga ito ay pitong libo tatlong daan at tatlumpu’t pito;+ at sila ay may dalawang daan at apatnapu’t limang lalaking+ mang-aawit at babaing+ mang-aawit. [
68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlumpu’t anim, ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apatnapu’t lima.]+
69 Ang mga kamelyo ay apat na raan at tatlumpu’t lima. Ang mga asno+ ay anim na libo pitong daan at dalawampu.+
70 At may ilan sa mga ulo+ ng mga sambahayan sa panig ng ama+ na nagbigay para sa gawain.+ Ang Tirsata+ mismo ay nagbigay sa kabang-yaman ng isang libong gintong drakma, limampung mangkok, limang daan at tatlumpung mahahabang damit ng saserdote.+
71 At may ilan sa mga ulo ng mga sambahayan sa panig ng ama na nagbigay sa kabang-yaman para sa gawain ng dalawampung libong gintong drakma at dalawang libo dalawang daang pilak na mina.+
72 At ang ibinigay ng iba pa sa bayan ay dalawampung libong gintong drakma at dalawang libong pilak na mina at animnapu’t pitong mahahabang damit ng saserdote.
73 At ang mga saserdote+ at ang mga Levita at ang mga bantay ng pintuang-daan at ang mga mang-aawit+ at ang ilan sa bayan at ang mga Netineo+ at ang buong Israel ay nanahanan sa kanilang mga lunsod.+ Nang dumating ang ikapitong buwan,+ ang mga anak ni Israel ay naroon na sa kanilang mga lunsod.+

