Malakias 1:1-14

1  Isang kapahayagan: Ang salita ni Jehova+ may kinalaman sa Israel sa pamamagitan ni Malakias:  “Inibig ko kayo,”+ ang sabi ni Jehova. At sinabi ninyo: “Sa anong paraan mo kami inibig?”+ “Hindi ba si Esau ay kapatid ni Jacob?”+ ang sabi ni Jehova. “Ngunit inibig ko si Jacob,+  at si Esau+ ay kinapootan ko; at sa kalaunan ay ginawa kong isang nakatiwangwang na kaguhuan ang kaniyang mga bundok+ at iniukol sa mga chakal sa ilang ang kaniyang mana.”+  “Sapagkat ang Edom ay laging nagsasabi, ‘Dinurog kami, ngunit babalik kami at itatayo namin ang mga wasak na dako,’ ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Sila, sa ganang kanila, ay magtatayo; ngunit ako, sa ganang akin, ay maggigiba.+ At tiyak na ang itatawag sa kanila ng bayan ay “ang teritoryo ng kabalakyutan” at “ang bayan na tinuligsa ni Jehova+ hanggang sa panahong walang takda.”  At makikita iyon ng inyong sariling mga mata, at kayo mismo ay magsasabi: “Dakilain nawa si Jehova sa ibabaw ng teritoryo ng Israel.” ’ ”+  “ ‘Ang anak, sa ganang kaniya, ay nagpaparangal sa ama;+ at ang lingkod, sa kaniyang dakilang panginoon.+ Kaya kung ako ay ama,+ nasaan ang karangalang ukol sa akin?+ At kung ako ay Dakilang Panginoon, nasaan ang pagkatakot+ sa akin?’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo sa inyo, O mga saserdote na humahamak sa aking pangalan.+ “ ‘At sinabi ninyo: “Sa anong paraan namin hinamak ang iyong pangalan?” ’  “ ‘Sa pamamagitan ng paghahandog ng narumhang tinapay sa ibabaw ng aking altar.’+ “ ‘At sinabi ninyo: “Sa anong paraan ka namin pinarumi?” ’ “ ‘Sa pagsasabi ninyo: “Ang mesa+ ni Jehova ay marapat hamakin.”+  At kapag naghahandog kayo ng hayop na bulag upang ihain: “Hindi iyon masama.” At kapag naghahandog kayo ng hayop na pilay o ng isang may sakit: “Hindi iyon masama.” ’ ”+ “Ilapit mo iyon sa iyong gobernador, pakisuyo. Makasusumpong kaya siya ng kaluguran sa iyo, o tatanggapin ka kaya niya nang may kabaitan?” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.  “At ngayon, pakisuyo, palambutin ninyo ang mukha+ ng Diyos, upang pagpakitaan niya tayo ng lingap.+ Ito ay nangyari dahil sa inyong kamay. Tatanggapin kaya niya nang may kabaitan ang sinuman sa inyo?” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 10  “Sino rin ba sa inyo ang magsasara ng mga pinto?+ At hindi ninyo sisindihan ang aking altar—kung walang kapalit.+ Wala akong kaluguran sa inyo,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “at ang handog na kaloob mula sa inyong kamay ay hindi ko kinalulugdan.”+ 11  “Sapagkat mula sa sikatan ng araw hanggang sa lubugan nito ay magiging dakila ang aking pangalan sa gitna ng mga bansa,+ at sa bawat dako ay gagawa ng haing usok,+ isang paghahandog ang isasagawa ukol sa aking pangalan, isa ngang malinis na kaloob;+ sapagkat ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga bansa,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 12  “Ngunit nilalapastangan+ ninyo ako sa inyong pagsasabi, ‘Ang mesa ni Jehova ay bagay na narumhan, at ang bunga niyaon ay marapat hamakin, ang pagkain doon.’+ 13  At sinabi ninyo, ‘Narito! Anong kapaguran!’+ at sininghalan ninyo iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. “At nagdala kayo ng bagay na inagaw, at ng pilay, at ng may sakit;+ oo, dinala ninyo iyon bilang kaloob. Kaluluguran ko ba iyon sa inyong kamay?”+ ang sabi ni Jehova. 14  “At sumpain siya na kumikilos nang may katusuhan kapag may hayop na lalaki sa kaniyang kawan, at siya ay nananata at naghahain kay Jehova ng isang may pinsala.+ Sapagkat ako ay dakilang Hari,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “at ang aking pangalan ay magiging kakila-kilabot sa gitna ng mga bansa.”+

Talababa