Kawikaan 31:1-31
31 Ang mga salita ni Lemuel na hari, ang mabigat na mensahe+ na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina bilang pagtutuwid:+
2 Ano ang sinasabi ko, O anak ko, at ano, O anak ng aking tiyan,+ at ano, O anak ng aking mga panata?+
3 Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae,+ ni ang iyong mga lakad man sa bagay na humahantong sa pagkapawi ng mga hari.+
4 Hindi ukol sa mga hari, O Lemuel, hindi ukol sa mga hari ang uminom ng alak ni ukol man sa matataas na opisyal ang magsabi: “Nasaan ang nakalalangong inumin?”+
5 upang hindi uminom ang isa at malimutan ang iniutos at baluktutin ang usapin ng sinuman sa mga anak ng kapighatian.+
6 Magbigay kayo ng nakalalangong inumin sa isa na malapit nang pumanaw+ at ng alak sa mga may mapait na kaluluwa.+
7 Uminom siya at kalimutan niya ang kaniyang karalitaan, at huwag na niyang alalahanin pa ang kaniyang kabagabagan.
8 Ibuka mo ang iyong bibig para sa pipi,+ sa usapin ng lahat niyaong pumapanaw.+
9 Ibuka mo ang iyong bibig, humatol ka nang matuwid at ipagtanggol mo ang usapin ng napipighati at ng dukha.+
א [Alep]
10 Isang asawang babae na may kakayahan, sino ang makasusumpong?+ Ang kaniyang halaga ay malayong higit kaysa sa mga korales.
ב [Bet]
11 Sa kaniya ay naglalagak ng tiwala ang puso ng nagmamay-ari sa kaniya, at walang nagkukulang na pakinabang.+
ג [Gimel]
12 Ginagantihan niya ito ng mabuti, at hindi ng masama, sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.+
ד [Dalet]
13 Humahanap siya ng lana at lino, at ginagawa niya ang anumang kalugdan ng kaniyang mga kamay.+
ה [He]
14 Siya ay tulad ng mga barko ng mangangalakal.+ Mula sa malayo ay dinadala niya ang kaniyang pagkain.
ו [Waw]
15 Bumabangon din siya habang gabi pa,+ at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan at ng itinakdang bahagi sa kaniyang mga kabataang babae.+
ז [Zayin]
16 Isinaalang-alang niya ang isang bukid at kinuha iyon;+ mula sa bunga ng kaniyang mga kamay ay nagtanim siya ng ubasan.+
ח [Ket]
17 Binibigkisan niya ng lakas ang kaniyang mga balakang, at pinalalakas niya ang kaniyang mga bisig.+
ט [Tet]
18 Napagwawari niyang ang kaniyang pangangalakal ay mabuti; ang kaniyang lampara ay hindi namamatay sa gabi.+
י [Yod]
19 Ang kaniyang mga kamay ay iniuunat niya sa panulid, at tinatanganan ng kaniyang mga kamay ang kidkiran.+
כ [Kap]
20 Ang kaniyang palad ay iniuunat niya sa napipighati, at ang kaniyang mga kamay ay iniuunat niya sa dukha.+
ל [Lamed]
21 Hindi siya natatakot para sa kaniyang sambahayan dahil sa niyebe, sapagkat ang kaniyang buong sambahayan ay nadaramtan ng mga dobleng kasuutan.+
מ [Mem]
22 Gumagawa siya ng mga kubrekama+ para sa kaniyang sarili. Ang kaniyang pananamit ay yari sa lino at lanang tinina sa mamula-mulang purpura.+
נ [Nun]
23 Ang nagmamay-ari+ sa kaniya ay kilala sa mga pintuang-daan,+ kapag umuupo siyang kasama ng matatandang lalaki sa lupain.
ס [Samek]
24 Gumagawa pa man din siya ng mga pang-ilalim na kasuutan+ at ipinagbibili ang mga iyon, at nagbibigay siya ng mga sinturon sa mga negosyante.
ע [Ayin]
25 Lakas at karilagan ang kaniyang pananamit,+ at pinagtatawanan niya ang isang araw sa hinaharap.+
פ [Pe]
26 Ang kaniyang bibig ay ibinubuka niya sa karunungan,+ at ang kautusan ng maibiging-kabaitan ay nasa kaniyang dila.+
צ [Tsade]
27 Binabantayan niya ang mga lakad ng kaniyang sambahayan, at ang tinapay ng katamaran ay hindi niya kinakain.+
ק [Kop]
28 Ang kaniyang mga anak ay bumabangon at ipinahahayag siyang maligaya;+ bumabangon ang nagmamay-ari sa kaniya, at pinupuri siya nito.+
ר [Res]
29 Maraming anak na babae+ na nagpapakita ng kakayahan, ngunit ikaw—ikaw ay nakahihigit sa kanilang lahat.+
ש [Shin]
30 Ang halina ay maaaring magbulaan,+ at ang kariktan ay maaaring walang-kabuluhan;+ ngunit ang babaing may takot kay Jehova ang siyang nagkakamit ng papuri para sa kaniyang sarili.+
ת [Taw]
31 Bigyan ninyo siya ng mga bunga ng kaniyang mga kamay,+ at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-daan.+