Kawikaan 30:1-33
30 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jakeh, ang mabigat na mensahe.+ Ang sinabi ng matipunong lalaki kay Itiel, kay Itiel at kay Ucal.
2 Sapagkat ako ay higit na walang katuwiran kaysa kaninuman,+ at wala akong kaunawaan ng tao;+
3 at hindi ako natuto ng karunungan;+ at ang kaalaman ng Kabanal-banalan ay hindi ko alam.+
4 Sino ang umakyat sa langit upang siya ay makababa?+ Sino ang nagtipon ng hangin+ sa palad ng dalawang kamay? Sino ang nagbalot ng mga tubig sa isang balabal?+ Sino ang nagpaangat ng lahat ng mga dulo ng lupa?+ Ano ang kaniyang pangalan+ at ano ang pangalan ng kaniyang anak, kung alam mo?+
5 Ang bawat pananalita ng Diyos ay dalisay.+ Siya ay isang kalasag sa mga nanganganlong sa kaniya.+
6 Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita,+ upang hindi ka niya sawayin, at upang hindi ka mapatunayang isang sinungaling.+
7 Dalawang bagay ang hinihiling ko sa iyo.+ Huwag mong ipagkait sa akin ang mga iyon bago ako mamatay.+
8 Ang kabulaanan at ang salitang kasinungalingan ay ilayo mo sa akin.+ Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni ng kayamanan man.+ Ipaubos mo sa akin ang pagkaing itinakda para sa akin,+
9 upang hindi ako mabusog at ikaila nga kita+ at sabihin ko: “Sino si Jehova?”+ at upang hindi ako sumapit sa karalitaan at magnakaw nga at lapastanganin ko ang pangalan ng aking Diyos.+
10 Huwag mong siraang-puri ang isang lingkod sa kaniyang panginoon,+ upang hindi ka niya sumpain, at upang hindi ka maituring na may-sala.+
11 May salinlahing sumusumpa sa kaniyang ama at hindi nito pinagpapala ang kaniyang ina.+
12 May salinlahing dalisay sa sarili nitong paningin+ ngunit hindi pa nahuhugasan mula sa sarili nitong dumi.+
13 May salinlahing ang mga mata ay naging O anong tayog! at ang kanilang nagniningning na mga mata ay nakataas.+
14 May salinlahing ang mga ngipin ay mga tabak at ang mga panga ay mga kutsilyong pangkatay,+ upang lamunin ang mga napipighati mula sa lupa at ang mga dukha mula sa sangkatauhan.+
15 Ang mga linta ay may dalawang anak na babae na sumisigaw: “Magbigay ka! Magbigay ka!” May tatlong bagay na hindi nasisiyahan, apat na hindi nagsasabi: “Sapat na!”
16 Ang Sheol+ at ang napipigilang bahay-bata,+ ang lupaing hindi nasisiyahan sa tubig,+ at ang apoy+ na hindi nagsasabi: “Sapat na!”+
17 Ang matang nang-aalipusta sa ama at humahamak sa pagkamasunurin sa ina+—tutukain iyon ng mga uwak sa agusang libis at kakainin iyon ng mga anak ng agila.
18 May tatlong bagay na lubhang kamangha-mangha sa akin, at apat na hindi ko alam:
19 ang lipad ng agila sa langit, ang usad ng serpiyente sa ibabaw ng bato, ang lutang ng barko sa kalagitnaan ng dagat+ at ang pamamaraan ng matipunong lalaki sa isang dalaga.+
20 Narito ang lakad ng babaing mapangalunya: kumain siya at nagpahid ng kaniyang bibig at sinabi niya: “Wala akong ginawang mali.”+
21 Sa ilalim ng tatlong bagay ay naliligalig ang lupa, at sa ilalim ng apat ay hindi ito makatagal:
22 sa ilalim ng alipin kapag namamahala siya bilang hari,+ at ang sinumang hangal kapag may sapat siyang pagkain;+
23 sa ilalim ng babaing kinapopootan kapag siya ay inari bilang asawa,+ at ang alilang babae kapag inagawan niya ng dako ang kaniyang among babae.+
24 May apat na bagay na pinakamaliliit sa lupa, ngunit ang mga iyon ay may likas na karunungan:+
25 ang mga langgam ay bayang hindi malakas,+ gayunma’y sa tag-araw ay naghahanda sila ng kanilang pagkain;+
26 ang mga kuneho sa batuhan+ ay bayang hindi makapangyarihan, gayunma’y inilalagay nila sa malaking bato ang kanilang bahay;+
27 ang mga balang+ ay walang hari, gayunma’y lumalabas silang lahat na pangkat-pangkat;+
28 ang tuko+ ay tumatangan sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay at ito ay nasa maringal na palasyo ng hari.
29 May tatlong mahusay sa kanilang paglakad, at apat na mahusay sa kanilang paghayo:
30 ang leon, na pinakamakapangyarihan sa mga hayop at hindi umaatras sa harap ng sinuman;+
31 ang asong matulin o ang kambing na lalaki, at ang hari sa isang pangkat ng mga kawal ng kaniyang sariling bayan.+
32 Kung ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa pagtataas ng iyong sarili,+ at kung itinuon mo roon ang iyong kaisipan, ilagay mo ang kamay sa bibig.+
33 Sapagkat ang pagbabatí ng gatas ang naglalabas ng mantikilya, at ang pagpisil sa ilong ang nagpapalabas ng dugo, at ang pagpiga ng galit ang naglalabas ng pag-aaway.+