Kawikaan 26:1-28
26 Tulad ng niyebe sa tag-araw at tulad ng ulan sa panahon ng pag-aani,+ ang kaluwalhatian ay hindi rin nararapat sa hangal.+
2 Gaya ng ibong may dahilan sa pagtakas at gaya ng langay-langayan sa paglipad, ang sumpa ay hindi rin dumarating nang walang tunay na dahilan.+
3 Ang panghagupit ay para sa kabayo,+ ang renda+ ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga taong hangal.+
4 Huwag mong sagutin ang sinumang hangal ayon sa kaniyang kamangmangan, upang hindi ka rin maging katulad niya.+
5 Sagutin mo ang hangal ayon sa kaniyang kamangmangan, upang hindi siya maging marunong sa kaniyang sariling paningin.+
6 Gaya ng isa na pumuputol ng kaniyang mga paa, gaya ng isa na umiinom ng karahasan, gayon siya na naglalagak ng mga bagay sa kamay ng hangal.+
7 Sumalok ba ng tubig ang mga binti ng pilay? Kung gayon ay may kawikaan sa bibig ng mga taong hangal.+
8 Tulad ng isa na nagtatago ng bato sa bunton ng mga bato, gayon ang isa na nagbibigay ng kaluwalhatian sa isang hangal.+
9 Kung paanong ang matinik na panirang-damo ay napasakamay ng lasenggo, gayon ang kawikaan sa bibig ng mga taong hangal.+
10 Gaya ng mamamana na umuulos ng lahat ng bagay ay gayon ang umuupa sa hangal+ o ang umuupa sa mga nagdaraan.
11 Tulad ng asong bumabalik sa kaniyang suka, inuulit ng hangal ang kaniyang kamangmangan.+
12 Nakakita ka na ba ng taong marunong sa kaniyang sariling paningin?+ May higit pang pag-asa para sa hangal+ kaysa sa kaniya.
13 Sinasabi ng tamad: “May batang leon sa daan, isang leon sa gitna ng mga liwasan.”+
14 Ang pinto ay pumipihit sa paikutan nito, at ang tamad sa kaniyang higaan.+
15 Itinatago ng tamad ang kaniyang kamay sa mangkok na pampiging; labis siyang nanghihimagod upang ibalik iyon sa kaniyang bibig.+
16 Ang tamad ay mas marunong sa kaniyang sariling paningin+ kaysa sa pito na tumutugon nang may katinuan.
17 Gaya ng isa na sumusunggab sa mga tainga ng aso ang sinumang dumaraan na ikinagagalit ang pag-aaway na hindi kaniya.+
18 Tulad ng baliw na nagpapahilagpos ng nagliliyab na mga suligi,+ mga palaso at kamatayan,
19 gayon ang taong nandaraya sa kaniyang kapuwa at nagsasabi: “Hindi ba nagbibiro lamang ako?”+
20 Kung saan walang kahoy ay namamatay ang apoy, at kung saan walang maninirang-puri ay natitigil ang pagtatalo.+
21 Gaya ng uling para sa mga baga at ng kahoy para sa apoy, gayon ang taong mahilig makipagtalo na nagpapaningas ng pag-aaway.+
22 Ang mga salita ng isang maninirang-puri ay tulad ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan, na bumababa sa mga kaloob-loobang bahagi ng tiyan.+
23 Gaya ng pampakintab na pilak na ikinakalupkop sa bibingang luwad ang maaalab na labi na may masamang puso.+
24 Ang napopoot ay nagbabalatkayo sa pamamagitan ng kaniyang mga labi, ngunit sa loob niya ay naglalagay siya ng panlilinlang.+
25 Bagaman ginagawa niyang magiliw ang kaniyang tinig,+ huwag mo siyang paniwalaan,+ sapagkat may pitong karima-rimarim na bagay+ sa kaniyang puso.
26 Ang pagkapoot ay tinatakpan ng panlilinlang. Ang kaniyang kasamaan ay malalantad sa kongregasyon.+
27 Siyang dumudukal ng hukay ay doon din mahuhulog,+ at siyang nagpapagulong ng bato—sa kaniya rin iyon babalik.+
28 Ang dilang bulaan ay napopoot sa isa na sinisiil nito,+ at ang bibig na labis na mapamuri ay nagpapangyari ng pagbagsak.+