Kawikaan 20:1-30
20 Ang alak ay manunuya,+ ang nakalalangong inumin ay magulo,+ at ang sinumang naliligaw dahil dito ay hindi marunong.+
2 Ang kakilabutan ng hari ay isang ungol na tulad ng sa may-kilíng na batang leon.+ Ang sinumang pumupukaw ng kaniyang poot laban sa kaniyang sarili ay nagkakasala laban sa sarili niyang kaluluwa.+
3 Kaluwalhatian sa isang tao ang umiwas sa pakikipagtalo,+ ngunit ang bawat mangmang ay susugod doon.+
4 Dahil sa taglamig ay hindi mag-aararo ang tamad;+ mamamalimos siya sa panahon ng paggapas, ngunit hindi magkakaroon ng anuman.+
5 Ang panukala sa puso ng tao ay gaya ng malalim na tubig,+ ngunit ang taong may kaunawaan ang siyang sasalok nito.+
6 Maraming tao ang maghahayag bawat isa ng kaniyang sariling maibiging-kabaitan,+ ngunit sino ang makasusumpong ng taong tapat?+
7 Ang matuwid ay lumalakad sa kaniyang katapatan.+ Maligaya ang kaniyang mga anak na kasunod niya.+
8 Ang hari ay nakaupo sa trono ng paghatol,+ na pinangangalat ang lahat ng kasamaan sa pamamagitan ng kaniyang mga mata.+
9 Sino ang makapagsasabi: “Nilinis ko ang aking puso;+ ako ay naging dalisay mula sa aking kasalanan”?+
10 Dalawang uri ng panimbang at dalawang uri ng takal na epa+—ang mga ito ay kapuwa karima-rimarim kay Jehova.+
11 Sa pamamagitan nga ng kaniyang mga gawa ay ipinakikilala ng isang bata kung ang kaniyang gawain ay dalisay at matuwid.+
12 Ang taingang nakaririnig at ang matang nakakakita—ang mga iyon ay kapuwa ginawa ni Jehova.+
13 Huwag mong ibigin ang pagtulog, upang hindi ka sumapit sa karalitaan.+ Idilat mo ang iyong mga mata; mabusog ka sa tinapay.+
14 “Masama, masama!” ang sabi ng bumibili, at yumayaon siya.+ Pagkatapos ay ipinaghahambog niya ang kaniyang sarili.+
15 May ginto, at maraming korales; ngunit ang mga labi ng kaalaman ay mahahalagang sisidlan.+
16 Kunin mo ang kasuutan ng isa, kung nanagot siya para sa taong di-kilala;+ at may kaugnayan sa babaing banyaga, agawin mo sa kaniya ang isang panagot.+
17 Ang tinapay na natamo sa pamamagitan ng kabulaanan ay kalugud-lugod sa isang tao,+ ngunit pagkatapos ay mapupuno ng graba ang kaniyang bibig.+
18 Sa pamamagitan ng payo ay matibay na natatatag ang mga plano,+ at sa pamamagitan ng mahusay na patnubay ay isagawa mo ang iyong pakikidigma.+
19 Siyang lumilibot bilang maninirang-puri ay nagbubunyag ng lihim na usapan;+ at sa isa na naaakit sa pamamagitan ng kaniyang mga labi ay huwag kang makikisama.+
20 Kung tungkol sa sinumang sumusumpa sa kaniyang ama at sa kaniyang ina,+ ang kaniyang lampara ay papatayin sa pagsapit ng dilim.+
21 Ang mana ay nakukuha sa pamamagitan ng kasakiman sa pasimula,+ ngunit ang kinabukasan nito ay hindi pagpapalain.+
22 Huwag mong sabihin: “Gaganti ako ng kasamaan!”+ Umasa ka kay Jehova,+ at ililigtas ka niya.+
23 Ang dalawang uri ng panimbang ay karima-rimarim kay Jehova,+ at ang madayang pares ng timbangan ay hindi mabuti.+
24 Mula kay Jehova ang mga hakbang ng matipunong lalaki.+ Kung tungkol sa makalupang tao, paano niya mapag-uunawa ang kaniyang lakad?+
25 Isa ngang silo kapag ang makalupang tao ay humiyaw nang padalus-dalos, “Banal!”+ at pagkatapos ng mga panata+ ay saka lamang niya maiisipang magsuri.+
26 Ang marunong na hari ay nagpapangalat ng mga taong balakyot,+ at nagpaparaan siya ng gulong sa ibabaw nila.+
27 Ang hininga+ ng makalupang tao ay ang lampara ni Jehova, na maingat na sumasaliksik sa lahat ng mga kaloob-loobang bahagi ng tiyan.+
28 Ang maibiging-kabaitan at ang katapatan—iniingatan nila ang hari;+ at sa pamamagitan ng maibiging-kabaitan ay pinamamalagi niya ang kaniyang trono.+
29 Ang kagandahan ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan,+ at ang karilagan ng matatandang lalaki ay ang kanilang ulong may uban.+
30 Masasakit na sugat ang kumakayod ng kasamaan;+ at ang mga latay, ng mga kaloob-loobang bahagi ng tiyan.+