Kawikaan 18:1-24
18 Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang makasariling hangarin;+ laban sa lahat ng praktikal na karunungan ay sasalansang siya.+
2 Ang sinumang hangal ay hindi nalulugod sa kaunawaan,+ malibang ihayag ng kaniyang puso ang sarili nito.+
3 Kapag pumasok ang balakyot, papasok din ang panghahamak;+ at kasama ng kasiraang-puri+ ang kadustaan.
4 Ang mga salita ng bibig ng isang tao ay malalim na tubig.+ Ang balon ng karunungan ay bukal na bumabalong.+
5 Ang pagpapakita ng pagtatangi sa balakyot ay hindi mabuti,+ ni ang paglilihis ng matuwid sa kahatulan.+
6 Ang mga labi ng hangal ay pumapasok sa pakikipagtalo,+ at ang kaniyang bibig ay tumatawag ng mga hampas.+
7 Ang bibig ng hangal ang kaniyang ikapapahamak,+ at ang kaniyang mga labi ay silo para sa kaniyang kaluluwa.+
8 Ang mga salita ng maninirang-puri ay tulad ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan,+ na bumababa sa mga kaloob-loobang bahagi ng tiyan.+
9 Gayundin, ang nagpapakitang makupad sa kaniyang gawa+—siya ay kapatid niyaong nagpapahamak.+
10 Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore.+ Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang.+
11 Ang mahahalagang pag-aari ng mayaman ay kaniyang matibay na bayan,+ at ang mga iyon ay gaya ng pananggalang na pader sa kaniyang guniguni.+
12 Bago ang pagbagsak ay matayog ang puso ng tao,+ at bago ang kaluwalhatian ay may kapakumbabaan.+
13 Kapag ang isa ay sumasagot sa isang bagay bago niya marinig iyon,+ kamangmangan ito sa kaniya at kahihiyan.+
14 Ang espiritu ng isang tao ay makapagtitiis sa kaniyang karamdaman;+ ngunit ang bagbag na espiritu, sino ang makatitiis nito?+
15 Ang puso ng isa na may-unawa ay nagtatamo ng kaalaman,+ at ang tainga ng marurunong ay humahanap ng kaalaman.+
16 Ang kaloob ng isang tao ay nagbubukas ng maluwang na daan para sa kaniya,+ at dadalhin siya nito maging sa harap ng mga taong dakila.+
17 Ang nauna sa kaniyang usapin sa batas ay matuwid;+ ang kaniyang kapuwa ay dumarating at sinisiyasat siya.+
18 Ang palabunutan ay nagpapatigil ng mga pagtatalo,+ at pinaghihiwa-hiwalay nito kahit ang mga makapangyarihan.+
19 Ang kapatid na pinagkasalahan ay higit pa kaysa sa matibay na bayan;+ at may mga pagtatalo na tulad ng halang ng tirahang tore.+
20 Mula sa bunga ng bibig ng isang tao ay mabubusog ang kaniyang tiyan;+ mabubusog siya sa ani ng kaniyang mga labi.+
21 Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila,+ at siyang umiibig dito ay kakain ng bunga nito.+
22 Nakasumpong ba ang isa ng mabuting asawang babae?+ Siya ay nakasumpong ng mabuting bagay,+ at nagtatamo siya ng kabutihang-loob mula kay Jehova.+
23 Mga pamamanhik ang sinasalita ng dukha,+ ngunit ang mayaman ay sumasagot nang may katigasan.+
24 May mga magkakasamang nagsisiraan,+ ngunit may kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.+