Kawikaan 17:1-28
17 Mas mabuti ang tuyong piraso ng tinapay na may katahimikan+ kaysa sa bahay na punô ng mga hain ng pag-aaway.+
2 Ang lingkod na nagpapakita ng kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya,+ at kasama ng magkakapatid ay magkakaroon siya ng bahagi sa mana.+
3 Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+ ngunit si Jehova ang tagasuri ng mga puso.+
4 Ang manggagawa ng kasamaan ay nagbibigay-pansin sa mapanakit na labi.+ Ang bulaan ay nakikinig sa dila na nagdudulot ng mga kapighatian.+
5 Siyang umaalipusta sa dukha ay dumudusta sa kaniyang Maylikha.+ Siyang nagagalak sa kasakunaan ng iba ay hindi magiging ligtas sa kaparusahan.+
6 Ang korona ng matatanda ay ang mga apo,+ at ang kagandahan ng mga anak na lalaki ay ang kanilang mga ama.+
7 Sa sinumang hangal ay hindi nararapat ang labi ng katuwiran.+ Gaano pa kaya ang labi ng kabulaanan sa taong mahal!+
8 Ang kaloob ay batong nagtatamo ng lingap sa mga mata ng dakilang may-ari nito.+ Saanman siya bumaling ay nagtatagumpay siya.+
9 Ang nagtatakip ng pagsalansang ay naghahangad ng pag-ibig,+ at siyang salita nang salita tungkol sa isang bagay ay naghihiwalay niyaong malalapít sa isa’t isa.+
10 Ang pagsaway ay tumatagos nang mas malalim sa isa na may unawa+ kaysa sa pananakit sa hangal nang isang daang ulit.+
11 Paghihimagsik lamang ang laging hinahangad ng masama,+ at malupit ang mensahero na isinusugo laban sa kaniya.+
12 Masalubong na ng tao ang oso na nawalan ng mga anak+ nito kaysa ang sinumang hangal sa kaniyang kamangmangan.+
13 Kung tungkol sa sinumang gumaganti ng kasamaan kapalit ng kabutihan,+ ang kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.+
14 Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig;+ kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na.+
15 Ang sinumang nag-aaring matuwid sa balakyot+ at ang sinumang nag-aaring balakyot sa matuwid+—kapuwa sila karima-rimarim kay Jehova.+
16 Bakit nga ba nasa kamay ng hangal ang halagang pambili ng karunungan,+ gayong wala naman siyang puso?+
17 Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon,+ at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.+
18 Ang taong kapos ang puso ay nakikipagkamay,+ na lubusang nananagot sa harap ng kaniyang kapuwa.+
19 Ang sinumang umiibig sa pagsalansang ay umiibig sa pagtatalo.+ Ang sinumang nagpapataas ng kaniyang pasukang-daan ay naghahanap ng pagbagsak.+
20 Siyang may likong puso ay hindi makasusumpong ng mabuti,+ at siyang may pilipit na dila ay mahuhulog sa kapahamakan.+
21 Ang ama na nagkaanak ng batang hangal—ito ay kapighatian sa kaniya;+ at ang ama ng batang mangmang ay hindi nagsasaya.+
22 Ang masayang puso ay nakabubuti bilang pampagaling,+ ngunit ang bagbag na espiritu ay tumutuyo ng mga buto.+
23 Ang balakyot ay tumatanggap ng suhol mula sa dibdib+ upang baluktutin ang mga landas ng kahatulan.+
24 Ang karunungan ay nasa harap ng mukha ng may-unawa,+ ngunit ang mga mata ng hangal ay nasa dulo ng lupa.+
25 Ang anak na hangal ay kaligaligan sa kaniyang ama+ at kapaitan sa nanganak sa kaniya.+
26 Karagdagan pa, ang pagpapataw ng multa sa matuwid ay hindi mabuti.+ Ang pananakit sa mga taong mahal ay labag sa kung ano ang matuwid.+
27 Ang sinumang nagpipigil ng kaniyang mga pananalita ay nagtataglay ng kaalaman,+ at ang taong may kaunawaan ay malamig ang espiritu.+
28 Kahit ang mangmang, kapag nanatiling tahimik, ay ituturing na marunong;+ ang sinumang nagtitikom ng kaniyang mga labi, bilang may unawa.