Kawikaan 13:1-25
13 Ang anak ay marunong kapag may disiplina ng ama,+ ngunit ang manunuya ay yaong hindi nakarinig ng pagsaway.+
2 Mula sa bunga ng kaniyang bibig ay kakain ng mabuti ang isang tao,+ ngunit ang mismong kaluluwa ng mga nakikitungo nang may kataksilan ay karahasan.+
3 Ang nagbabantay ng kaniyang bibig ay nag-iingat ng kaniyang kaluluwa.+ Ang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi—magkakaroon siya ng kapahamakan.+
4 Ang tamad ay nagnanasa, ngunit ang kaniyang kaluluwa ay wala ni anuman.+ Gayunman, ang kaluluwa ng mga masikap ay patatabain.+
5 Ang bulaang salita ang siyang kinapopootan ng matuwid,+ ngunit ang mga balakyot ay gumagawi nang kahiya-hiya at nagpapangyari ng kanilang sariling pagkadusta.+
6 Ang katuwiran ay nag-iingat sa kaniya na ang lakad ay hindi mapaminsala,+ ngunit kabalakyutan ang gugupo sa makasalanan.+
7 May nagkukunwaring mayaman gayunma’y wala siyang anumang pag-aari;+ may nagkukunwaring dukha gayunma’y marami siyang mahahalagang pag-aari.
8 Ang pantubos sa kaluluwa ng isang tao ay ang kaniyang kayamanan,+ ngunit ang dukha ay hindi nakarinig ng pagsaway.+
9 Ang liwanag ng mga matuwid ay magsasaya;+ ngunit ang lampara ng mga balakyot—ito ay papatayin.+
10 Dahil sa kapangahasan ang isa ay lumilikha lamang ng pagtatalo,+ ngunit sa mga nagsasanggunian ay may karunungan.+
11 Ang mahahalagang pag-aaring nagmumula sa kawalang-kabuluhan ay kumakaunti,+ ngunit ang nagtitipon sa pamamagitan ng kamay ang siyang nagpaparami.+
12 Ang inaasam na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso,+ ngunit ang bagay na ninanasa ay punungkahoy ng buhay kapag ito ay dumating.+
13 Siyang humahamak sa salita,+ aagawin sa kaniya ang panagot ng may utang; ngunit ang natatakot sa utos ang siyang gagantihan.+
14 Ang kautusan ng marunong ay bukal ng buhay,+ upang ilayo ang isa mula sa mga silo ng kamatayan.+
15 Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay ng lingap,+ ngunit ang daan niyaong mga nakikitungo nang may kataksilan ay baku-bako.+
16 Ang bawat matalino ay gagawi nang may kaalaman,+ ngunit ang hangal ay magkakalat ng kamangmangan.+
17 Ang mensaherong balakyot ay mahuhulog sa kasamaan,+ ngunit ang tapat na sugo ay kagalingan.+
18 Ang nagpapabaya sa disiplina ay dumarating sa karalitaan at kasiraang-puri,+ ngunit ang nag-iingat ng saway ang siyang niluluwalhati.+
19 Ang pagnanasang natupad ay kalugud-lugod sa kaluluwa;+ ngunit nakamumuhi sa mga hangal ang lumayo sa kasamaan.+
20 Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong,+ ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.+
21 Mga makasalanan ang tinutugis ng kapahamakan,+ ngunit mga matuwid ang ginagantihan ng mabuti.+
22 Ang isa na mabuti ay mag-iiwan ng mana sa mga anak ng mga anak, at ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid.+
23 Ang inararong lupa ng mga taong dukha ay namumunga ng napakaraming pagkain,+ ngunit may nalilipol dahil sa kakulangan ng kahatulan.+
24 Ang nag-uurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak,+ ngunit ang umiibig sa kaniya ay yaong humahanap sa kaniya taglay ang disiplina.+
25 Ang matuwid ay kumakain hanggang sa mabusog ang kaniyang kaluluwa,+ ngunit ang tiyan ng mga balakyot ay hindi malalagyan ng laman.+