Jeremias 47:1-7
47 Ito ang naging salita ni Jehova kay Jeremias na propeta may kinalaman sa mga Filisteo+ bago pabagsakin ni Paraon ang Gaza.+
2 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Narito! May tubig na umaahon+ mula sa hilaga+ at naging humuhugos na ilog. At babahain nito ang lupain at ang lahat ng naroroon, ang lunsod at ang mga tumatahan doon.+ At tiyak na hihiyaw ang mga tao, at magpapalahaw ang lahat ng nananahanan sa lupain.+
3 Sa ingay ng pagpadyak ng mga paa ng kaniyang mga barakong kabayo,+ sa pagkalampag ng kaniyang mga karong pandigma,+ ang hugong ng kaniyang mga gulong,+ hindi lilingunin ng mga ama ang mga anak, dahil sa paglaylay ng kanilang mga kamay,
4 dahil sa araw na dumarating upang samsaman ang lahat ng mga Filisteo,+ upang lipulin mula sa Tiro+ at mula sa Sidon+ ang bawat nakaligtas na tumutulong.+ Sapagkat sinasamsaman ni Jehova ang mga Filisteo,+ na siyang mga nalalabi mula sa pulo ng Captor.+
5 Ang pagkakalbo+ ay darating sa Gaza.+ Ang Askelon+ ay pinatahimik. O nalabi ng kanilang mababang kapatagan, hanggang kailan ka pa maghihiwa sa iyong sarili?+
6 “Aha, ang tabak ni Jehova!+ Hanggang kailan ka hindi mananahimik? Masuksok ka sa iyong kaluban.+ Magpahinga ka at manahimik.
7 “Paano iyon makapananahimik, gayong inutusan iyon ni Jehova mismo? Iyon ay para sa Askelon at para sa baybayin ng dagat.+ Doon niya iyon itinakdang maparoon.”