Eclesiastes 6:1-12
6 May kapahamakan na nakita ko sa ilalim ng araw, at iyon ay malimit sa mga tao:
2 isang tao na binigyan ng tunay na Diyos ng kayamanan at mga materyal na pag-aari at kaluwalhatian+ at para sa kaniyang kaluluwa ay hindi siya nangangailangan ng anumang bagay na kaniyang pinananabikan,+ at gayunma’y hindi siya binibigyang-kapangyarihan ng tunay na Diyos na makakain mula rito,+ bagaman ang isang banyaga+ ay makakakain nito. Ito ay walang kabuluhan at iyon ay masamang sakit.
3 Kung ang isang lalaki ay magkaanak nang isang daang ulit,+ at mabuhay siya nang maraming taon, anupat maging marami ang mga araw ng kaniyang mga taon,+ gayunma’y ang kaniyang kaluluwa ay hindi nasisiyahan sa mabubuting bagay+ at maging ang libingan ay hindi naging kaniya,+ masasabi ko na ang isang ipinanganak nang kulang sa buwan ay mas mabuti pa kaysa sa kaniya.+
4 Sapagkat sa walang kabuluhan dumarating ang isang ito at sa kadiliman siya umaalis, at tatakpan ng kadiliman ang kaniyang pangalan.+
5 Maging ang araw ay hindi niya nakita, ni nalaman.+ Ang isang ito ay may kapahingahan kaysa sa nauna.+
6 Ipagpalagay man na nabuhay siya nang isang libong taon na makalawang ulit at gayunma’y hindi siya nagtamasa ng kabutihan,+ hindi ba sa iisang dako lamang pumaparoon ang lahat?+
7 Ang lahat ng pagpapagal ng mga tao ay para sa kanilang bibig,+ ngunit maging ang kanilang kaluluwa ay hindi nabubusog.
8 Sapagkat anong higit na kapakinabangan mayroon ang marunong kaysa sa hangal?+ Ano ang taglay ng napipighati sa pagkaalam kung paano lalakad sa harap ng mga buháy?
9 Mas mabuti ang pagtingin ng mga mata kaysa sa pagpapagala-gala ng kaluluwa.+ Ito rin ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin.+
10 Anuman ang umiral, ang pangalan nito ay nabigkas na, at naging hayag na kung ano ang tao;+ at hindi niya maipagtatanggol ang kaniyang usapin sa isa na higit na makapangyarihan kaysa sa kaniya.+
11 Yamang maraming bagay na sanhi ng malaking kawalang-kabuluhan,+ anong kapakinabangan mayroon ang isang tao?
12 Sapagkat sino ang nakaaalam kung anong kabutihan ang taglay ng isang tao sa buhay+ sa bilang ng mga araw ng kaniyang walang-kabuluhang buhay, gayong ginugugol niya ang mga ito na gaya ng isang anino?+ Sapagkat sino ang makapagsasabi sa tao kung ano ang mangyayari sa ilalim ng araw pagkatapos niya?+