Colosas 3:1-25
3 Gayunman, kung ibinangon+ kayong kasama ng Kristo, patuloy ninyong hanapin ang mga bagay na nasa itaas,+ kung saan ang Kristo ay nakaupo sa kanan ng Diyos.+
2 Panatilihin ninyong nakatuon ang inyong mga pag-iisip sa mga bagay na nasa itaas,+ hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.+
3 Sapagkat kayo ay namatay,+ at ang inyong buhay+ ay nakatagong kasama ng Kristo kaisa+ ng Diyos.
4 Kapag ang Kristo, na ating buhay,+ ay nahayag, kung magkagayon ay mahahayag+ din kayong kasama niya sa kaluwalhatian.+
5 Patayin ninyo,+ kung gayon, ang mga sangkap+ ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso,+ nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan,+ na siyang idolatriya.
6 Dahil sa mga bagay na iyon ay dumarating ang poot ng Diyos.+
7 Sa mismong mga bagay na iyon ay minsan na rin kayong lumakad noong nabubuhay kayo sa mga iyon.+
8 Ngunit ngayon ay alisin nga ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo,+ poot, galit, kasamaan, mapang-abusong pananalita,+ at malaswang pananalita+ mula sa inyong bibig.
9 Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa.+ Hubarin ninyo ang lumang personalidad+ pati na ang mga gawain nito,
10 at damtan ninyo ang inyong sarili ng bagong+ personalidad, na sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman ay ginagawang bago ayon sa larawan+ ng Isa na lumalang nito,
11 kung saan walang Griego ni Judio, pagtutuli ni di-pagtutuli, banyaga, Scita, alipin, taong laya,+ kundi si Kristo ang lahat ng bagay at nasa lahat.+
12 Alinsunod dito, bilang mga pinili ng Diyos,+ banal at iniibig, damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag,+ kabaitan, kababaan ng pag-iisip,+ kahinahunan,+ at mahabang pagtitiis.+
13 Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa+ kung ang sinuman ay may dahilan sa pagrereklamo+ laban sa iba. Kung paanong si Jehova ay lubusang nagpatawad sa inyo,+ gayon din naman ang gawin ninyo.
14 Ngunit, bukod pa sa lahat ng bagay na ito, damtan ninyo ang inyong sarili ng pag-ibig,+ sapagkat ito ay isang sakdal na bigkis+ ng pagkakaisa.
15 Gayundin, hayaang ang kapayapaan+ ng Kristo ang pumatnubay sa inyong mga puso,+ sapagkat doon nga kayo tinawag sa isang katawan.+ At ipakita ninyong kayo ay mapagpasalamat.
16 Hayaang ang salita ng Kristo ay manahan sa inyo nang sagana sa buong karunungan.+ Patuloy na magturo+ at magpaalalahanan sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga salmo,+ mga papuri sa Diyos, mga espirituwal na awit+ na may kagandahang-loob, na umaawit sa inyong mga puso kay Jehova.+
17 At anuman ang inyong ginagawa sa salita o sa gawa,+ gawin ninyo ang lahat ng bagay sa pangalan ng Panginoong Jesus,+ na pinasasalamatan+ ang Diyos na Ama sa pamamagitan niya.
18 Kayong mga asawang babae, magpasakop+ kayo sa inyu-inyong asawang lalaki, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Kayong mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae+ at huwag kayong magalit sa kanila nang may kapaitan.+
20 Kayong mga anak, maging masunurin+ kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat ito ay lubhang kalugud-lugod sa Panginoon.
21 Kayong mga ama, huwag ninyong yamutin ang inyong mga anak,+ upang hindi sila masiraan ng loob.
22 Kayong mga alipin, maging masunurin kayo sa lahat ng bagay doon sa inyong mga panginoon ayon sa laman,+ hindi sa pamamagitan ng mga gawa na pakitang-taong paglilingkod, gaya ng mga nagpapalugod sa tao,+ kundi may kataimtiman ng puso, na may takot kay Jehova.+
23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong kaluluwa+ na gaya ng kay Jehova,+ at hindi sa mga tao,
24 sapagkat alam ninyong tatanggapin ninyo mula kay Jehova+ ang kaukulang gantimpala ng mana.+ Magpaalipin kayo sa Panginoon, kay Kristo.+
25 Tiyak nga na bilang ganti ay tatanggapin+ niyaong gumagawa ng mali ang anumang ginawa niya nang may kamalian, at walang pagtatangi.+

