2 Cronica 30:1-27
30 At nagsugo si Hezekias sa buong Israel+ at Juda, at sumulat pa siya ng mga liham sa Efraim+ at Manases,+ na pumaroon sila sa bahay ni Jehova+ sa Jerusalem upang idaos ang paskuwa+ para kay Jehova na Diyos ng Israel.
2 Gayunman, ipinasiya ng hari at ng kaniyang mga prinsipe+ at ng buong kongregasyon+ sa Jerusalem na idaos ang paskuwa sa ikalawang buwan;+
3 dahil hindi nila ito maidaos nang panahong iyon,+ sapagkat una, walang sapat na saserdote+ ang nagpabanal ng kanilang sarili, at isa pa, ang bayan ay hindi natitipon sa Jerusalem.
4 At ang bagay na iyon ay naging marapat sa paningin ng hari at sa paningin ng buong kongregasyon.+
5 Kaya nagpasiya silang paratingin ang panawagan+ sa buong Israel, mula sa Beer-sheba+ hanggang sa Dan,+ na pumaroon at idaos sa Jerusalem ang paskuwa para kay Jehova na Diyos ng Israel; sapagkat hindi nila iyon ginawa+ bilang isang karamihan ayon sa nasusulat.+
6 Nang magkagayon ang mga mananakbong+ may mga liham mula sa kamay ng hari at ng kaniyang mga prinsipe+ ay humayo sa buong Israel at Juda, ayon nga sa utos ng hari, na nagsasabi: “Kayong mga anak ni Israel, manumbalik+ kayo kay Jehova na Diyos+ ni Abraham, ni Isaac at ni Israel, upang manumbalik siya sa mga takas+ na naiwan sa inyo mula sa palad ng mga hari ng Asirya.+
7 At huwag kayong maging tulad ng inyong mga ninuno+ at tulad ng inyong mga kapatid na gumawi nang di-tapat kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno, kung kaya ginawa niya silang isang bagay na panggigilalasan,+ gaya ng inyong nakikita.
8 Ngayon ay huwag ninyong patigasin ang inyong leeg+ gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno. Magbigay kayo ng dako kay Jehova+ at pumaroon kayo sa kaniyang santuwaryo+ na pinabanal+ niya hanggang sa panahong walang takda at maglingkod+ kayo kay Jehova na inyong Diyos, upang ang kaniyang nag-aapoy na galit+ ay mapawi mula sa inyo.
9 Sapagkat kapag nanumbalik+ kayo kay Jehova, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay pag-uukulan ng awa+ sa harap niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag, at pahihintulutang bumalik sa lupaing ito;+ sapagkat si Jehova na inyong Diyos ay magandang-loob+ at maawain,+ at hindi niya itatalikod ang mukha mula sa inyo kung manunumbalik kayo sa kaniya.”+
10 Kaya ang mga mananakbo+ ay nagpatuloy, na dumaraan sa lunsod at lunsod sa buong lupain ng Efraim+ at Manases, maging hanggang sa Zebulon; ngunit patuloy silang nililibak at inaalipusta ng mga iyon.+
11 May ilang tao+ lamang mula sa Aser at Manases at mula sa Zebulon ang nagpakumbaba+ kung kaya pumaroon sila sa Jerusalem.
12 Ang kamay ng tunay na Diyos ay sumasa-Juda rin upang bigyan sila ng iisang puso+ upang isagawa ang utos+ ng hari at ng mga prinsipe sa bagay na may kaugnayan kay Jehova.+
13 At nagpisan sila sa Jerusalem,+ isang malaking bayan, upang idaos ang kapistahan+ ng mga tinapay na walang pampaalsa sa ikalawang+ buwan, isang kongregasyong napakalaki.
14 Nang magkagayon ay tumindig sila at inalis ang mga altar+ na nasa Jerusalem, at inalis nila ang lahat ng altar+ ng insenso at pagkatapos ay itinapon ang mga iyon sa agusang libis ng Kidron.+
15 Pagkatapos ay pinatay nila ang hayop na pampaskuwa+ noong ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan; at ang mga saserdote at ang mga Levita ay napahiya, kung kaya pinabanal+ nila ang kanilang sarili at nagdala ng mga handog na sinusunog sa bahay ni Jehova.
16 At nanatili silang nakatayo+ sa kanilang dako ayon sa kanilang alituntunin, ayon sa kautusan ni Moises na lalaki ng tunay na Diyos, na iwiniwisik ng mga saserdote+ ang dugong tinanggap mula sa kamay ng mga Levita.
17 Sapagkat marami sa kongregasyon ang hindi nagpabanal ng kanilang sarili; at ang mga Levita+ ang nangangasiwa sa pagpatay ng mga hayop+ na pampaskuwa para sa lahat ng hindi malinis, upang pabanalin sila para kay Jehova.
18 Sapagkat may isang malaking bilang sa bayan, marami sa Efraim+ at Manases,+ sa Isacar at Zebulon,+ na hindi pa nakapaglinis+ ng kanilang sarili, sapagkat hindi nila kinain ang paskuwa ayon sa nasusulat;+ ngunit si Hezekias ay nanalangin para sa kanila,+ na sinasabi: “Pagpaumanhinan nawa ng mabuting+ si Jehova ang
19 bawat isang naghanda ng kaniyang puso+ upang hanapin ang tunay na Diyos, si Jehova, na Diyos ng kaniyang mga ninuno, bagaman walang pagpapadalisay para sa bagay na banal.”+
20 Sa gayon ay nakinig si Jehova kay Hezekias at pinagaling ang bayan.+
21 Kaya ang mga anak ni Israel na nasumpungan sa Jerusalem ay nagdaos ng kapistahan+ ng mga tinapay na walang pampaalsa nang pitong araw na may malaking pagsasaya;+ at ang mga Levita+ at ang mga saserdote+ ay naghandog ng papuri kay Jehova sa araw-araw na may malalakas na panugtog, para nga kay Jehova.+
22 Bukod diyan, si Hezekias ay nagsalita sa puso+ ng lahat ng mga Levita na gumagawing may mahusay na karunungan kay Jehova.+ At kinain nila ang itinakdang piging sa loob ng pitong araw,+ na naghahain ng mga haing pansalu-salo+ at nagtatapat+ kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno.
23 At ang buong kongregasyon ay nagpasiya+ na idaos ito sa loob ng pitong araw pa,+ kung kaya idinaos nila ito sa loob ng pitong araw nang may pagsasaya.
24 Sapagkat si Hezekias na hari ng Juda ay nag-abuloy+ para sa kongregasyon ng isang libong toro at pitong libong tupa, at ang mga prinsipe+ ay nag-abuloy para sa kongregasyon ng isang libong toro at sampung libong tupa; at isang malaking bilang ng mga saserdote+ ang patuloy na nagpapabanal ng kanilang sarili.
25 At ang buong kongregasyon ng Juda+ at ang mga saserdote at ang mga Levita+ at ang buong kongregasyon na dumating mula sa Israel+ at ang mga naninirahang dayuhan+ na dumating mula sa lupain ng Israel+ at yaong mga tumatahan sa Juda ay patuloy na nagsaya.+
26 At nagkaroon ng malaking pagsasaya sa Jerusalem, sapagkat mula nang mga araw ni Solomon+ na anak ni David na hari ng Israel ay walang naging tulad nito sa Jerusalem.+
27 Sa wakas ay tumayo ang mga saserdote, ang mga Levita, at pinagpala+ ang bayan; at dininig ang kanilang tinig, kung kaya ang kanilang panalangin ay nakarating sa kaniyang banal na tahanan, sa langit.+