1 Samuel 15:1-35
15 Nang magkagayon ay sinabi ni Samuel kay Saul: “Ako ang isinugo ni Jehova upang magpahid+ sa iyo bilang hari sa kaniyang bayang Israel, at ngayon ay makinig ka sa tinig ng mga salita ni Jehova.+
2 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo,+ ‘Hihingan ko ng sulit+ ang ginawa ng Amalek sa Israel nang ituon niya ang kaniyang sarili laban dito noong nasa daan samantalang umaahon ito mula sa Ehipto.+
3 Ngayon ay yumaon ka, at pabagsakin mo ang Amalek+ at italaga mo siya sa pagkapuksa+ kasama ang lahat ng nasa kaniya, at huwag kang mahabag sa kaniya, at patayin+ mo sila, ang lalaki at gayundin ang babae, ang bata at gayundin ang pasusuhin,+ ang toro at gayundin ang tupa, ang kamelyo at gayundin ang asno.’ ”+
4 Sa gayon ay tinawag ni Saul ang bayan at binilang niya sila sa Telaim,+ dalawang daang libong lalaking naglalakad at sampung libong lalaki ng Juda.+
5 At pumaroon si Saul hanggang sa lunsod ng Amalek at nanambang sa may agusang libis.
6 Samantala ay sinabi ni Saul sa mga Kenita:+ “Yumaon kayo, lumisan kayo,+ lumusong kayo mula sa gitna ng mga Amalekita, upang hindi ko kayo lipuling kasama nila. Kung tungkol sa iyo, nagpakita ka ng maibiging-kabaitan sa lahat ng mga anak ni Israel+ noong panahong umaahon sila mula sa Ehipto.”+ Sa gayon ay lumisan ang mga Kenita mula sa gitna ng Amalek.
7 Pagkatapos ay pinabagsak ni Saul ang Amalek+ mula sa Havila+ hanggang sa Sur,+ na nasa tapat ng Ehipto.
8 At nahuli niyang buháy si Agag+ na hari ng Amalek, at ang buong bayan ay itinalaga niya sa pagkapuksa sa pamamagitan ng talim ng tabak.+
9 Ngunit si Saul at ang bayan ay nahabag kay Agag at sa pinakamainam ng kawan at ng bakahan+ at ng mga pinataba at sa mga barakong tupa at sa lahat niyaong mabuti, at hindi nila ninais na italaga ang mga iyon sa pagkapuksa.+ Kung tungkol sa lahat ng mga pag-aari na kasuklam-suklam at itinakwil, ang mga ito ang itinalaga nila sa pagkapuksa.
10 Ang salita ni Jehova ay dumating ngayon kay Samuel, na nagsasabi:
11 “Ikinalulungkot+ ko na pinaghari ko si Saul bilang hari, sapagkat tumalikod+ siya mula sa pagsunod sa akin, at ang aking mga salita ay hindi niya tinupad.”+ At ito ay nakapipighati kay Samuel,+ at patuloy siyang dumaing kay Jehova nang buong gabi.+
12 At bumangon nang maaga si Samuel upang salubungin si Saul sa kinaumagahan. Ngunit may ulat na isinaysay kay Samuel, na nagsasabi: “Si Saul ay pumaroon sa Carmel,+ at, narito! nagtitindig siya ng isang bantayog+ para sa kaniyang sarili, at siya ay pumihit at tumawid at lumusong sa Gilgal.”
13 Sa kalaunan ay pumaroon si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kaniya: “Pinagpala+ ka ni Jehova. Tinupad ko ang salita ni Jehova.”+
14 Ngunit sinabi ni Samuel: “Kung gayon ay ano ang ibig sabihin ng ingay na ito ng kawan sa aking pandinig, at ng ingay ng bakahan na aking naririnig?”+
15 Dito ay sinabi ni Saul: “Dinala nila ang mga iyon mula sa mga Amalekita, sapagkat ang bayan+ ay nahabag sa pinakamainam ng kawan at ng bakahan, sa layuning maghain kay Jehova na iyong Diyos;+ ngunit yaong natira ay itinalaga namin sa pagkapuksa.”
16 Dahil dito ay sinabi ni Samuel kay Saul: “Tumigil ka! At sasabihin ko sa iyo kung ano ang sinalita sa akin ni Jehova kagabi.”+ Sa gayon ay sinabi niya sa kaniya: “Magsalita ka!”
17 At sinabi ni Samuel: “Hindi ba noong maliit ka pa sa iyong sariling paningin+ ay naging ulo ka sa mga tribo ng Israel, at pinahiran+ ka ni Jehova bilang hari sa Israel?
18 Sa kalaunan ay isinugo ka ni Jehova sa isang atas at sinabi, ‘Yumaon ka, at italaga mo sa pagkapuksa ang mga makasalanan,+ ang mga Amalekita, at labanan mo sila hanggang sa malipol mo sila.’+
19 Kaya bakit hindi mo sinunod ang tinig ni Jehova kundi may-kasakiman mong dinaluhong ang samsam+ at ginawa mo ang masama sa paningin ni Jehova?”+
20 Gayunman, sinabi ni Saul kay Samuel: “Ngunit sinunod+ ko ang tinig ni Jehova nang yumaon ako sa atas na pinagsuguan sa akin ni Jehova at dinala ko si Agag+ na hari ng Amalek, ngunit ang Amalek ay itinalaga ko sa pagkapuksa.+
21 At ang bayan+ ay kumuha ng mga tupa at mga baka mula sa samsam, ang pinakapili sa mga iyon bilang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa, upang ihain+ kay Jehova na iyong Diyos sa Gilgal.”+
22 Sinabi naman ni Samuel: “Mayroon bang gayon kalaking kaluguran si Jehova sa mga handog na sinusunog+ at mga hain na gaya ng sa pagsunod sa tinig ni Jehova? Narito! Ang pagsunod+ ay mas mabuti kaysa sa hain,+ ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga barakong tupa;
23 sapagkat ang paghihimagsik+ ay katulad ng kasalanang panghuhula,+ at ang pagkilos nang may kapangahasan ay katulad ng paggamit ng mahiwagang kapangyarihan at terapim.+ Yamang itinakwil mo ang salita ni Jehova,+ itinatakwil ka rin niya mula sa pagiging hari.”+
24 Nang magkagayon ay sinabi ni Saul kay Samuel: “Ako ay nagkasala;+ sapagkat nilabag ko ang utos ni Jehova at ang iyong mga salita, sa dahilang natakot ako sa bayan+ kung kaya sinunod ko ang kanilang tinig.
25 At ngayon, pakisuyo, pagpaumanhinan+ mo ang aking kasalanan at bumalik kang kasama ko upang makapagpatirapa+ ako kay Jehova.”
26 Ngunit sinabi ni Samuel kay Saul: “Hindi ako babalik na kasama mo, sapagkat itinakwil mo ang salita ni Jehova, at itinatakwil ka ni Jehova mula sa pananatiling hari sa Israel.”+
27 Habang pumipihit si Samuel upang yumaon, kaagad niyang sinunggaban ang laylayan ng damit nito na walang manggas, anupat ito ay napunit.+
28 Dahil dito ay sinabi ni Samuel sa kaniya: “Pinunit ni Jehova+ mula sa iyo ngayon ang maharlikang pamamahala sa Israel, at ibibigay nga niya iyon sa iyong kapuwa na mas mabuti kaysa sa iyo.+
29 At, isa pa, ang Kamahalan ng Israel+ ay hindi magbubulaan,+ at hindi Siya magsisisi, sapagkat Siya ay hindi makalupang tao upang magsisi.”+
30 Dahil dito ay sinabi niya: “Ako ay nagkasala. Pakisuyo, parangalan mo ako+ ngayon sa harap ng matatandang lalaki ng aking bayan at sa harap ng Israel at bumalik kang kasama ko, at magpapatirapa nga ako kay Jehova na iyong Diyos.”+
31 Kaya bumalik si Samuel na kasunod ni Saul, at si Saul ay nagpatirapa kay Jehova.
32 Pagkatapos ay sinabi ni Samuel: “Ilapit ninyo sa akin si Agag na hari ng Amalek.” Sa gayon ay bantulot na pumaroon sa kaniya si Agag, at sinabi ni Agag sa kaniyang sarili: “Tunay na ang mapait na karanasan ng kamatayan ay lumisan na.”
33 Gayunman, sinabi ni Samuel: “Kung paanong dahil sa iyong tabak+ ay naulila sa anak ang mga babae, gayon magiging pinakaulila sa anak ang iyong ina+ sa gitna ng mga babae.”+ At pinagtataga ni Samuel si Agag sa harap ni Jehova sa Gilgal.+
34 Si Samuel ngayon ay pumaroon sa Rama, at si Saul naman ay umahon sa kaniyang bahay sa Gibeah+ ni Saul.
35 At hindi na muling nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, sapagkat si Samuel ay nagdalamhati+ para kay Saul. Kung tungkol kay Jehova, ikinalungkot niya na ginawa niyang hari sa Israel si Saul.+