1 Samuel 11:1-15
11 At si Nahas na Ammonita+ ay umahon at nagkampo laban sa Jabes+ sa Gilead. Dahil dito ay sinabi ng lahat ng mga lalaki ng Jabes kay Nahas: “Makipagtipan ka sa amin upang maglingkod kami sa iyo.”+
2 Nang magkagayon ay sinabi sa kanila ni Nahas na Ammonita: “Sa kundisyong ito ay gagawin ko iyon sa inyo, sa kundisyon na dudukitin+ ang bawat kanang mata ninyo, at ilalagay ko iyon bilang kadustaan sa buong Israel.”+
3 Sinabi naman sa kaniya ng matatandang lalaki ng Jabes: “Bigyan mo kami ng pitong araw na palugit, at magsusugo kami ng mga mensahero sa buong teritoryo ng Israel at, kung walang tagapagligtas+ sa amin, lalabasin ka nga namin.”
4 Nang maglaon ay pumaroon sa Gibeah+ ni Saul ang mga mensahero at sinalita ang mga salita sa pandinig ng bayan, at ang buong bayan ay naglakas ng kanilang tinig at tumangis.+
5 Ngunit narito si Saul na dumarating kasunod ng bakahan mula sa bukid, at sinabi ni Saul: “Ano ang nangyayari sa bayan, anupat tumatangis sila?” At isinaysay nila sa kaniya ang mga salita ng mga lalaki ng Jabes.
6 At ang espiritu+ ng Diyos ay kumilos kay Saul pagkarinig niya ng mga salitang ito, at ang kaniyang galit ay lubhang nag-init.+
7 Kaya kumuha siya ng isang pares ng toro at pinagputul-putol ang mga iyon at ipinadala ang mga ito sa buong teritoryo ng Israel+ sa pamamagitan ng kamay ng mga mensahero, na sinasabi: “Ang sinuman sa atin na hindi lalabas bilang tagasunod ni Saul at ni Samuel, ganito ang gagawin sa kaniyang mga baka!”+ At ang panghihilakbot+ kay Jehova+ ay nagsimulang sumapit sa bayan anupat lumabas sila na parang iisang lalaki.+
8 Pagkatapos ay kinuha niya ang kabuuang bilang+ nila sa Bezek, at ang mga anak ni Israel ay umabot ng tatlong daang libo, at ang mga lalaki ng Juda ay tatlumpung libo.
9 Sinabi nila ngayon sa mga mensahero na pumaroon: “Ito ang sasabihin ninyo sa mga lalaki ng Jabes sa Gilead, ‘Bukas ay magaganap ang kaligtasan para sa inyo kapag uminit na ang araw.’ ”+ Sa gayon ay pumaroon ang mga mensahero at nagsabi sa mga lalaki ng Jabes, at sila ay nagsaya.
10 At sinabi ng mga lalaki ng Jabes: “Bukas ay lalabasin namin kayo, at gawin ninyo sa amin ang ayon sa lahat ng mabuti sa inyong paningin.”+
11 At nangyari nga, nang sumunod na araw ay inilagay ni Saul+ ang bayan sa tatlong pangkat;+ at nagtungo sila sa gitna ng kampo noong pagbabantay sa umaga+ at pinabagsak ang mga Ammonita+ hanggang sa uminit ang araw. Nang may ilan pang natitira, ang mga ito ay pinangalat at walang natira sa kanila na dalawang magkasama.+
12 At sinabi ng bayan kay Samuel: “Sino nga ang nagsasabi, ‘Si Saul—siya ba ang maghahari sa atin?’+ Ibigay ninyo ang mga taong iyon, upang patayin namin sila.”+
13 Gayunman, sinabi ni Saul: “Walang isa mang tao ang papatayin sa araw na ito,+ sapagkat ngayon ay nagsagawa si Jehova ng pagliligtas sa Israel.”+
14 Nang maglaon ay sinabi ni Samuel sa bayan: “Halikayo at pumaroon tayo sa Gilgal+ upang doon natin gawin nang panibago ang pagkahari.”+
15 Sa gayon ay pumaroon sa Gilgal ang buong bayan, at doon ay ginawa nilang hari si Saul sa harap ni Jehova sa Gilgal. Pagkatapos ay naghandog sila ng mga haing pansalu-salo doon sa harap ni Jehova,+ at doon ay patuloy na nagsaya nang lubha si Saul at ang lahat ng mga lalaki ng Israel.+