MGA TEKSTO PARA SA KRISTIYANONG PAMUMUHAY

Pag-aasawa

Tagalog
Pag-aasawa
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
scl Pag-aasawa

Pag-aasawa

Pag-aasawa

Paano nagsimula ang pag-aasawa?

Sino ang dapat piliin ng isang Kristiyano na maging asawa?

Bakit hindi papayagan ng isang tunay na Kristiyano na mag-asawa ang bautisadong anak niya ng isang hindi bautisadong lingkod ni Jehova?

1Co 7:39; 2Co 6:​14, 15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 24:​1-4, 7—Determinado si Abraham na makapag-asawa ang anak niyang si Isaac ng babaeng naglilingkod kay Jehova, hindi ng isang Canaanita na sumasamba sa ibang mga diyos

    • Gen 28:​1-4—Sinabi ni Isaac sa anak niyang si Jacob na huwag mag-asawa ng isang Canaanita, kundi ng isang lingkod ni Jehova

Ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nag-asawa ng di-kapananampalataya ang isang lingkod niya?

Deu 7:​3, 4

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 11:​1-6, 9-11—Nagalit si Jehova dahil hindi sinunod ni Haring Solomon ang mga babala Niya, nag-asawa siya ng mga banyaga, at nagpaimpluwensiya siya sa kanila na sumamba sa mga huwad na diyos

    • Ne 13:​23-27—Gaya ni Jehova, galit na galit si Nehemias nang mag-asawa ang mga lalaking Israelita ng mga babaeng banyaga na hindi lingkod ni Jehova; dinisiplina at itinuwid niya sila

Bakit makakabuting pumili ng mapapangasawang tapat na naglilingkod kay Jehova at may magandang reputasyon?

Kaw 18:22; 31:​10, 28

Tingnan din ang Efe 5:​28-31, 33

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 25:​2, 3, 14-17—Mayaman si Nabal pero mabagsik siya at masama ang ugali, kaya hindi siya naging mabuting asawa kay Abigail

    • Kaw 21:9—Kapag nagkamali tayo sa pagpili ng mapapangasawa, baka hindi tayo maging masaya at maging magulo ang buhay natin

    • Ro 7:2—Ipinaliwanag ni apostol Pablo na kapag nag-asawa ang isang babae, kailangan niyang magpasakop sa awtoridad ng kaniyang di-perpektong asawa; kaya dapat siyang maging maingat sa pagpili ng mapapangasawa

Paghahanda sa pag-aasawa

Bakit dapat tiyakin ng isang lalaki na kaya na niyang bumuhay ng pamilya bago siya magplanong magpakasal?

1Ti 5:8

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Kaw 24:27—Bago magpakasal at magkaroon ng anak, dapat magsumikap ang isang lalaki para mapaglaanan ang magiging pamilya niya

Bakit dapat humingi ng payo ang mga nagliligawan at magpokus sa pagkatao ng isa’t isa imbes na sa hitsura?

Kaw 13:10; 1Pe 3:​3-6

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ru 2:​4-7, 10-12—Para makilala si Ruth, inobserbahan ni Boaz kung paano ito magtrabaho. Pinakinggan din niya ang sinasabi ng mga mapagkakatiwalaang tao tungkol kay Ruth, sa pakikitungo nito kay Noemi, at sa espirituwalidad nito

    • Ru 2:​8, 9, 20—Para makilala si Boaz, inobserbahan ni Ruth ang kabaitan nito, pagiging bukas-palad, at pagmamahal kay Jehova

Bakit hinihiling ni Jehova na manatiling malinis sa moral ang magkasintahan hanggang sa ikasal sila?

Gal 5:19; Col 3:5; 1Te 4:4

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Kaw 5:​18, 19—May ilang ekspresyon ng pagmamahal na para lang sa mga mag-asawa

    • Sol 1:2; 2:6—Ipinakita ng pastol at ng babaeng Shulamita ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa malinis na paraan

    • Sol 4:12; 8:​8-10—Pinanatili ng babaeng Shulamita ang pagpipigil sa sarili; gaya siya ng isang nakakandadong hardin

Bakit dapat na kaayon ng batas ang kasal ng magkasintahan?

Papel ng asawang lalaki

Anong mabibigat na responsibilidad ang ibinigay ni Jehova sa mga asawang lalaki?

Kaninong halimbawa ng pagkaulo ang dapat tularan ng isang Kristiyanong asawang lalaki?

Bakit dapat na maging maunawain at mapagmahal ang asawang lalaki sa misis niya?

Col 3:19; 1Pe 3:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 21:​8-12—Sinabi ni Jehova kay Abraham na pakinggan ang asawa niyang si Sara, kahit hindi niya gusto ang mungkahi nito

    • Kaw 31:​10, 11, 16, 28—Ang marunong na asawang lalaki ay hindi istrikto at hindi rin mapaghanap ng mali sa misis niya; sa halip, pinagkakatiwalaan niya ito at kinokomendahan

    • Efe 5:33—Base sa sinabi ni apostol Pablo, dapat madama ng asawang babae na mahal siya ng asawa niya

Papel ng asawang babae

Anong mahalagang responsibilidad ang ibinigay ni Jehova sa mga asawang babae?

Nakakabawas ba ng dignidad ang papel ng asawang babae?

Gen 1:​26-28, 31; 2:18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Kaw 1:8; 1Co 7:4—May bigay-Diyos na awtoridad ang asawang babae at nanay sa loob ng pamilya

    • 1Co 11:3—Ipinaliwanag ni apostol Pablo na sa kaayusan ni Jehova, ang lahat ay nasa ilalim ng pagkaulo, maliban sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat

    • Heb 13:​7, 17—Sa loob ng kongregasyon, ang mga lalaki at babae ay kailangang magpasakop at sumunod sa mga inatasang manguna

Kung di-Saksi ang asawa ng isang Kristiyanong babae, paano niya mapapasaya si Jehova?

Bakit dapat igalang ng isang Kristiyanong babae ang asawa niya?

Efe 5:33

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 18:12; 1Pe 3:​5, 6—May matinding paggalang si Sara sa asawa niya; tinawag pa nga niya itong “panginoon” sa isip niya

Anong uri ng asawang babae ang kapuri-puri ayon sa Bibliya?

Kaw 19:14; 31:​10, 13-31

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 24:​62-67—Dinamayan at pinatibay ni Rebeka ang asawa niyang si Isaac nang mamatay ang nanay nito

    • 1Sa 25:​14-24, 32-38—Pinrotektahan ni Abigail ang masama niyang asawa at iniligtas ang sambahayan nila nang mapagpakumbaba siyang makiusap kay David

    • Es 4:​6-17; 5:​1-8; 7:​1-6; 8:​3-6—Para humingi ng proteksiyon para sa bayan ng Diyos, dalawang beses na isinapanganib ni Reyna Esther ang buhay niya nang lumapit siya sa asawa niyang hari kahit hindi ipinapatawag

Paglutas sa mga problema

Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mag-asawa para malutas ang mga problema sa kanilang pagsasama?

Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mag-asawa para magkaroon ng balanseng pananaw sa pera?

Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mag-asawa para malutas ang mga problema sa mga kamag-anak at biyenan?

Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mag-asawa pagdating sa seksuwal na pangangailangan ng isa’t isa?

Bakit mahalagang magpokus sa magagandang katangian ng asawa mo sa halip na sa mga kamalian niya?

Bakit mas mabuting lutasin agad ang problema sa maibiging paraan imbes na maghinanakit o manatiling galit?

Bakit hindi dapat makita sa mga Kristiyano ang matinding galit, pagbulyaw, mapang-abusong pananalita, at anumang uri ng pisikal na pang-aabuso?

Kapag may di-pagkakaunawaan ang mag-asawa, ano ang dapat nilang gawin?

Kapag si Jehova ang pundasyon ng pagsasama ng mag-asawa, anong mga pagpapala ang aasahan nila?

Pamantayan sa pag-aasawa

Ano ang pananaw ni Jehova tungkol sa sex at pag-aasawa?

Ano ang dapat na maging pananaw ng mga Kristiyano sa poligamya?

Paano natin nalaman na ang pagsasama bilang mag-asawa ay para lang sa isang lalaki at isang babae?

Bakit hindi dapat maghiwalay ang mag-asawa?

Ano ang nag-iisang makakasulatang dahilan para sa diborsiyo?

Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga nagdidiborsiyo nang walang makakasulatang dahilan?

Kapag namatay ang asawa ng isang Kristiyano, puwede ba siyang mag-asawa ulit?