Introduksiyon sa Seksiyon 13
Bumaba si Jesus sa lupa para ibigay ang buhay niya sa mga taong di-sakdal. Kahit namatay siya, nadaig niya ang sanlibutan. Tapat si Jehova sa kaniyang Anak at binuhay niya itong muli. Hanggang kamatayan, mapagpakumbabang naglingkod si Jesus sa iba at nagpatawad. Matapos buhaying muli, nagpakita si Jesus sa mga alagad niya. Tinuruan niya sila kung paano gagawin ang mahalagang gawaing ipinapagawa niya. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na maunawaang may bahagi din tayo sa gawaing iyan.
SA SEKSIYONG ITO
ARAL 87
Ang Huling Hapunan ni Jesus
Nagbigay si Jesus ng mahalagang utos sa mga apostol noong huling hapunan niyang kasama sila.
ARAL 88
Inaresto si Jesus
Kasama ni Hudas Iscariote ang isang grupo ng mga lalaki na may dalang espada at pamalo para arestuhin si Jesus.
ARAL 89
Hindi Inamin ni Pedro na Kilala Niya si Jesus
Anong nangyari sa bakuran ng bahay ni Caifas? At ano ang nangyari kay Jesus sa loob ng bahay?
ARAL 91
Binuhay-Muli si Jesus
Anong kahanga-hangang mga bagay ang nangyari ilang araw matapos patayin si Jesus?
ARAL 93
Bumalik si Jesus sa Langit
Bago siya bumalik sa langit, nagbigay siya sa mga alagad ng napakahalagang mga utos.

