Introduksiyon sa Seksiyon 1
Ang ulat ng Bibliya ay nagsimula sa paglalang ni Jehova ng napakaraming magagandang bagay sa langit at sa lupa. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na makita ang kahanga-hanga at sari-saring nilalang ng Diyos. Ipaliwanag na ang tao ay nilalang ng Diyos na ibang-iba kaysa sa mga hayop, kasi may kakayahan tayong magsalita, mangatuwiran, mag-imbento, umawit, at manalangin. Tulungan ang mga anak na pahalagahan ang kapangyarihan at karunungan ni Jehova lalo na ang kaniyang pag-ibig sa lahat ng kaniyang nilalang—kasama na ang bawat isa sa atin.
SA SEKSIYONG ITO
ARAL 1
Ginawa ng Diyos ang Langit at Lupa
Sinasabi ng Bibliya ng ginawa ng Diyos ang langit at lupa. Pero alam mo ba kung sinong anghel ang ginawa niya bago siya gumawa ng iba pang bagay?
ARAL 2
Ginawa ng Diyos ang Unang Lalaki at Babae
Ginawa ng Diyos ang unang lalaki at babae at inilagay sila sa hardin ng Eden. Gusto niyang magkapamilya sila at gawin nilang paraiso ang buong lupa.

