Ang Paraisong Lupa
Lubusang babaguhin ni Jehova ang lahat ng kasamaang ginawa ni Satanas. Ginawa ni Jehova si Jesus na Hari sa buong lupa. Sa ilalim ng kaniyang paghahari, ang lupa ay gagawing paraiso.—Daniel 7:13, 14; Lucas 23:43.
Ipinapangako ni Jehova ang mga bagay na ito:
-
SAGANANG PAGKAIN: “Isisibol nga ng lupa ang kaniyang bunga; ang Diyos, ang aming Diyos, ay pagpapalain kami.” “Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay magkakaroon ng pag-apaw.”—Awit 67:6; 72:16.
-
WALA NANG DIGMAAN: “Halikayo, kayo bayan, tingnan ang mga gawa ni Jehova, kung paanong gumawa siya ng kamangha-manghang mga pangyayari sa lupa. Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa.”—Awit 46:8, 9.
-
WALANG MASASAMANG TAO: “Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin . . . Sapagkat sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; at iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na.”—Awit 37:9, 10.
-
WALANG SAKIT, KALUNGKUTAN, O KAMATAYAN: “Sa panahong iyon madidilat ang mga mata Isaias 35:5, 6.
ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon lulukso ang mga pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan.”—“At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng pananambitan man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.”—Apocalipsis 21:3, 4.
Di-gaya ni Satanas at ng mga demonyo, si Jehova ay hindi kailanman nagsisinungaling. Lahat ng kaniyang ipinangako ay dapat na magkatotoo. (Lucas 1:36, 37) Mahal kayo ni Jehova at nais niya kayong mamuhay sa Paraiso na kaniyang gagawin. Kaya makipag-ugnayan kayo sa mga Saksi ni Jehova upang matuto ng higit pa tungkol sa mga kagila-gilalas na mga katotohanang matatagpuan sa Salita ng Diyos. Kung ikakapit ninyo ang katotohanan sa inyong buhay, kayo ay makalalaya sa pagkakagapos sa kasinungalingan, pamahiin, at kawalang-alam. Di-magtatagal, kayo rin ay makalalaya sa pagkakagapos sa kasalanan at kamatayan. Gaya ng sinabi ni Jesus: “At inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”—Juan 8:32.