Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Tapat na Nagpapasakop sa Kaayusang Teokratiko

Tagalog
Tapat na Nagpapasakop sa Kaayusang Teokratiko
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 8
Tapat na Nagpapasakop sa Kaayusang Teokratiko

Awit 8

Tapat na Nagpapasakop sa Kaayusang Teokratiko

(1 Corinto 14:33)

1. Habang bayan ng Diyos ay nangangaral,

Kanyang kaharia’y totoong mahal.

Teokratikong ayos dapat na sundin;

Pagkakaisa ay panatilihin.

(Koro)

2. Si Kristo Jesus ang siyang nangunguna;

Kanyang mga kawal ay nakahanda.

Atin ay espirituwal na digmaan,

Dahil dito dapat magbalikatan.

(Koro)

3. Katiwala ng Diyos at espiritu,

Siyang patnubay natin bilang Kristiyano.

Paluguran ang Diyos, di natitinag;

At ang kanyang hatol ay ipahayag!

(KORO)

Pagpapasakop bilang paggalang,

Sa Diyos ay ilaan.

Maibigin siya, May pagkalinga.

Atin siyang pagtapatan.