Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Talagang May Paglingap si Jehova

Tagalog
Talagang May Paglingap si Jehova
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 44
Talagang May Paglingap si Jehova

Awit 44

Talagang May Paglingap si Jehova

(1 Pedro 5:7)

1. Paglingap ng Diyos ay kay giliw.

May tunay na kaaliwan.

Buhok ng ulo natin ay bilang niya.

Huwag magulumihanan.

2. Sumapit man mga pagsubok,

Hindi tayo mabubuwal.

Batid niya kung may pipit na mahulog,

Lalo niya tayong mahal.

3. May sarisaring pagdurusa

Sa Kristiyano’y dumarating.

Sa atin ito ay dumadalisay,

Nguni’t siya’y tutulong din.

4. Tiyak natin ang paglingap ng Diyos,

Pagka’t siya ay maibigin.

Habang tayo sa kanya naglilingkod,

Gantimpala’y kakamtin.