Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Tahakin ang Landas ng Diyos sa Buhay

Tagalog
Tahakin ang Landas ng Diyos sa Buhay
/assets/ct/a63ae92c98/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 214
Tahakin ang Landas ng Diyos sa Buhay

Awit 214

Tahakin ang Landas ng Diyos sa Buhay

(Kawikaan 9:10, 11)

1. Gandang kaloob, dapat pagyamanin,

Buhay kay Kristo! Gamiting wasto.

Jehova, ipinagtatapat namin:

Kagalaka’y dulot ng landas mo.

2. Dapat, Jehova, sa iyo ay matakot.

Kaalama’t dunong sa iyo buhat.

Utos mo ay kagalakan ang dulot;

Susundin namin at magtatapat.

3. Dahil sa iyo buhay ay may layunin.

Kay Kristo ay natutong mamuhay.

Mundo’t karangyaan ay huwag ibigin.

Mas maligaya ang nagbibigay.

4. Kami’y tulungang sundin ang iyong aral,

Pagka’t Kaharian mo’y malapit na.

Sa maamo ng lupa’y ipangaral,

Ibabalik tunay na pagsamba.