Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Sumusulong ang mga Mandirigma ng Diyos

Tagalog
Sumusulong ang mga Mandirigma ng Diyos
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 39
Sumusulong ang mga Mandirigma ng Diyos

Awit 39

Sumusulong ang mga Mandirigma ng Diyos

(1 Timoteo 6:12)

1. Mandirigma’y pasulong;

Makapangyarihan

Upang siya’y parangalan,

Ngala’y ’pagsanggalang.

Ano’ng gawa ng Diyablo

Kundi sumalakay?

Kamay ng Diyos ang suhay

At siya ang patnubay.

2. Kay init ng digmaan,

Araw ni Jehova.

Mangaral nang may tapang.

Bakit manghihina?

Kristo’y tagapanguna

Sa pakikibaka.

Siya ay sumasalakay;

Pumanig sa kanya.

3. Pasulong na kasama;

Ang Diyos magwawagi.

Ipagbabangong-puri,

Ngalang dinuhagi.

O tiyak na ang tagumpay,

Pagpapalain niya

Ang mga matitibay

Sa pakikidigma.