Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Sulong, mga Ministro ng Kaharian!

Tagalog
Sulong, mga Ministro ng Kaharian!
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 43
Sulong, mga Ministro ng Kaharian!

Awit 43

Sulong, mga Ministro ng Kaharian!

(2 Timoteo 4:5)

1. Ipangaral ang Kaharian

Sa bawa’t bansa’t bayan.

May pag-ibig sa ating kapwa,

Maamo ay tulungan.

Luwalhatiin ang gawain,

Pananamit ay ingatan.

Ministeryo ay mahal natin;

Si Jehova’y papurihan.

(Koro)

2. Sulong, mga bagong ministro,

Gantimpala ay buhay.

Ang tinalikdan ay limutin,

Bibliya ang pampatibay.

Tayo’y laging maging malinis,

Sanlibutan ay iwasan.

Angkop sa mga lingkod ng Diyos

Tumakas sa kamunduhan.

(Koro)

3. Sumulong na magkaagapay,

Ibang tupa’t nalabi.

Bata’t matanda, kahit sino,

Nagkakabuklod lagi.

Banal ang ating ministeryo,

Nawa’y laging parangalan.

Aliwin ang mga maamo’t

Purihin Kata’staasan.

(KORO)

Sulong, hayo,

Ipangaral natin ang Kaharian.

Sulong, lakad,

Sa panig ni Jehova manindigan.