Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Si Kristong Huwaran Natin

Tagalog
Si Kristong Huwaran Natin
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 205
Si Kristong Huwaran Natin

Awit 205

Si Kristong Huwaran Natin

(1 Pedro 2:21)

1. Ang pag-ibig ng Diyos, dakila at lubos,

Nang ang Anak niya’y suguin sa lupa!

Si Kristo’y ’binigay, sa tao’y tinapay,

Upang ang buhay tamuhin nila.

2. ’Tinuro ni Jesus, panalangin sa Diyos:

‘O ang pangalan mo’y pakabanalin.

Kaharian mo nawa, magpuno sa lupa.

Araw-araw ay bigyang pagkain.’

3. Ang katotohanan at ang Kaharian,

Kanyang itinuro at inilahad.

Sa tulos namatay nang tao’y mabuhay

At Salita ng Diyos ay matupad.

4. Kung kinikilala dakilang hain niya,

Tayo ay magiging tunay niyang tupa.

Siya’y ating gayahin, Diyos laging purihin,

Upang anihin ang pagpapala.