Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Salamat sa Tagapagkaloob ng Buhay

Tagalog
Salamat sa Tagapagkaloob ng Buhay
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 167
Salamat sa Tagapagkaloob ng Buhay

Awit 167

Salamat sa Tagapagkaloob ng Buhay

(Awit 36:9)

1. Diyos na Jehova sa kalangitan,

Di ba dapat ikaw ay purihin?

Susundin namin kay Kristong yapak,

Mga kamay sa iyo’y alay namin.

2. O Soberano, aming ligaya;

Lupa’t langit sa iyo naglilingkod.

Lahat ng ami’y isinusuko,

Nang pagsamba’t utos mo’y masunod.

3. Kaharian mo ay isinilang;

Kapayapaan mo’y nadarama.

Sa iyo kukuha ng karunungan,

Ukol lamang sa iyo ang pagsamba.

4. Utang na loob namin, Jehova,

Na Salita mo ay ipaalam.

Sikap nawa nami’y pagpalain,

Espiritu mo’y siyang kalakasan.