Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian

Tagalog
Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 172
Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian

Awit 172

Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian

(Mateo 6:33)

1. Natatangi kay Jehova,

Ang kay Kristong Kaharian,

Sa kanya ay kagalakan,

Lahat ay lulunasan.

Mga propeta’y umasa’t

Sinampalatayanan.

At ngayon sabi ni Kristo,

Sila’y ating tularan.

(Koro)

2. Pribilehiyong bumahagi

Sa gawang pang-Kaharian!

Buong kayang maglingkuran,

At pagmalasakitan.

Bakit pa mababalisa

Kung ano ang kakanin?

Pagka’t Diyos ang maglalaan

Kung Kaharia’y unahin.

(Koro)

3. Sanlibuta’y matatapos;

Ang sa Diyos matatatag.

Buong lupa’y magpupuri;

Paraiso’y nahayag.

Kaharia’y ibalita,

Sa tupa’y ipamulat

Na pag-asa’y kay Jehova’t

Sa Teokrasya nagbuhat.

(KORO)

Unahin ang Kaharian

At sa Diyos na katwiran.

Siya ang ipagbangong-puri,

At laging pagtapatan.