Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Pananampalatayang Tulad ng kay Abraham

Tagalog
Pananampalatayang Tulad ng kay Abraham
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 64
Pananampalatayang Tulad ng kay Abraham

Awit 64

Pananampalatayang Tulad ng kay Abraham

(Genesis 22:1-18)

1. Maligaya kung Salita’y

Nauunawaan;

Batid ng Diyos ang simula,

Hanggang katapusan.

Sa atin ay kaaliwan,

Mga kaganapan;

Hulang dula na natupad,

Sa kapanahunan.

2. Ating tingnan si Abraham,

Kasama si Isaac,

Sa Bundok Moria’y umakyat;

Pagsubok na tiyak.

Kahilingan ni Jehova,

Anak niya’y ihain,

Upang kalooban ng Diyos

Ay lubusang gawin.

3. Nakasulit si Abraham,

Sa kanyang pagsubok;

Larawang ipinakita

Ng haing pantubos.

Tatamuhin mo ay buhay,

Kung sundin mo ang Diyos,

At tutulad kay Abraham,

Masunuring lubos.