Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Pakinggan ang Balita ng Kaharian

Tagalog
Pakinggan ang Balita ng Kaharian
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 139
Pakinggan ang Balita ng Kaharian

Awit 139

Pakinggan ang Balita ng Kaharian

(Isaias 55:7)

1. O pakinggan ang balita ng Kaharian;

Dinggin si Kristo: ‘Hari na ako.

Malapit nang malipol Mananalansang;

Tumakas sa kanya’t huwag ipagpaliban.’

(Koro)

2. Ang panawagan ng Saksi ni Jehova:

‘Kung maamo ka, Ngayo’y magsaya.

Itatanghal ni Kristo kalakasan niya,

Sakit, gutom, lungkot ay mapaparam na.’

(Koro)

3. Tayo’y magagalak kung ating diringgin

At sasambitin: ‘Diyos ko’y susundin.’

Nagliligtas ang Diyos; takot ay alisin.

Kaharia’t katwiran ang siyang unahin.

(KORO)

O lisanin ang masamang daan,

Pumipinsalang isip ay talikdan.

At magbalik sa Diyos, na may habag

At may laang kapatawaran.