Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Pagtugon sa mga Kahilingan ng Diyos

Tagalog
Pagtugon sa mga Kahilingan ng Diyos
/assets/ct/579af9cf16/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 26
Pagtugon sa mga Kahilingan ng Diyos

Awit 26

Pagtugon sa mga Kahilingan ng Diyos

(Apocalipsis 12:17)

1. Sa ating Diyos maging tapat,

Walang kapintasang lahat.

Sa bahay-bahay ibansag

Pangalan niya na marilag.

Bilang Saksi ating taglay

Kaaliwan sa may lumbay;

Sa noo tupa’y tandaan,

Nang kaligtasa’y makamtan.

2. Kung dalisay ang paningin,

Katotohana’y dibdibin.

Kung puso ay iingatan,

May buhay na walang hanggan.

Kung ihayag ang Salita,

Matutulungan ang madla.

Kung lakad natin ay matwid,

Galak walang kahulilip.

3. Kapatid nati’y tulungan,

Sarili nati’t kapwa man.

Payapa’t nakikiisa,

Nagtatapat kay Jehova.

Kaligayaha’y ingatan,

Lubusang pahalagahan.

Laging walang kapintasan,

Kay Jehovang kapurihan.