Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Pagpapahalaga sa mga Kaawaan ng Diyos

Tagalog
Pagpapahalaga sa mga Kaawaan ng Diyos
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 152
Pagpapahalaga sa mga Kaawaan ng Diyos

Awit 152

Pagpapahalaga sa mga Kaawaan ng Diyos

(Roma 11:33-35)

1. Kayamana’t karunungan

Ay sa Panginoong Diyos!

Hatol niya ay di malirip,

Di matingkalang lubos!

Sinong sa kanya’y nagpayo

O kaya’y tumulong man,

Para bang siya ang may utang

Na dapat pagbayaran?

2. Kay Jehovang kaawaan

Ating pasalamatan;

Ating katawa’y ihain

Sa ’ting Diyos ng katwiran.

Pagkatapos na mag-alay,

Ang panata’y gampanan.

Sa abot ng ating kaya,

Tayo ay maglingkuran.

3. Masama ay huwag ayunan,

Baguhin ang isipan;

Dahil sa katotohanan

Pananalig ay kamtan.

Diyos ay laging dalanginan,

Sa kanya’y maglingkuran.

Ang lahat ay mag-ibigan;

Tamuhi’y kagalakan.