Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Pagpalain Nawa ang Aming Kapatirang Kristiyano

Tagalog
Pagpalain Nawa ang Aming Kapatirang Kristiyano
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 18
Pagpalain Nawa ang Aming Kapatirang Kristiyano

Awit 18

Pagpalain Nawa ang Aming Kapatirang Kristiyano

(1 Pedro 2:17)

1. Nagturo si Kristo

Nang may kabaitan,

May katiyagaan

At kapayapaan.

Nagturo siya ng pag-ibig,

Sa ’ting kapatiran,

Saka pagpapakumbaba,

At ng katapatan.

(Koro)

2. Ang Salita ng Diyos

Ating iniibig!

Maaamo tayo

Kapag nakikinig!

Mga alagad ni Jesus

Ay magkakapatid.

Kaharia’y ihahayag,

Buklod sa pag-ibig.

(Koro)

3. Ituro sa kapwa

Ang katotohanan,

At sa panig ng Diyos

Sila’y manindigan.

Tulungan nating hanapin,

Nang Diyos masumpungan.

At sa ating kapatiran,

Makipagsamahan.

(KORO)

Salamat, Jehova;

Tunay kang mabait.

Basbasan ang kapatiran,

Ama naming nasa langit.