Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Paghahayag ng Katotohanan ng Kaharian

Tagalog
Paghahayag ng Katotohanan ng Kaharian
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 126
Paghahayag ng Katotohanan ng Kaharian

Awit 126

Paghahayag ng Katotohanan ng Kaharian

(Mateo 10:7)

1. Mahal natin ang katotohanan;

Pagka’t dulot ay kagalakan.

Ipangaral nang apurahan,

Narito na ang Kaharian.

2. Lagi tayong nagbabahay-bahay;

Nang Kaharia’y maisaysay.

Ang Diyos ay siya nating alalay;

Espiritu niya’y pampatibay.

3. Atas nati’y napakahalaga.

Puspusan nating isagawa.

Aliwin ang mga ulila,

Kaharia’y magpapaginhawa.

4. Sa buong lupa’y ating ihayag

Si Kristo’y haring itinatag.

Kabantugan niya’y ibabansag,

Pangalan ng Diyos itatanyag.