Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

Tagalog
Paghahasik ng Binhi ng Kaharian
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 133
Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

Awit 133

Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

(Mateo 13:4-8, 19-23)

1. O halina mga alipin ni Jah

Na ang puso’y ukol sa Diyos.

Gawin ang gawang ipinagkaloob;

Sundin ang daan ni Jesus.

Binhi ng katotohana’y ibudbod

Sa lupa na magluluwal

Papuri sa Diyos kung ikaw ay tapat

At masikap sa pangangaral.

2. May binhi na tutukain ng ibon

Ng kay Satanas na kampon;

Dahil sa init ay may malalanta,

Kung sa batuhan tumapon.

Kasakima’y dawag na kumukuyom,

Binhi ay hindi umusbong.

Nguni’t may binhing sa lupang mataba

Nahasik, at yao’y susulong.

3. Binhing natanim sa lupang mataba

Kailangan mong alagaan.

Pag-ibig lakip ang katiyagaan,

Sa ibo’y makahahadlang.

Tinik at dawag ay maiiwasan,

Kung binhi’y aalagaan.

Pag-aani mo ay may kagalakan,

Tatlumpo o kaya’y ’sang daan.