Umawit ng mga Papuri kay Jehova

O Lumakad na Kasama ng Diyos!

Tagalog
O Lumakad na Kasama ng Diyos!
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 138
O Lumakad na Kasama ng Diyos!

Awit 138

O Lumakad na Kasama ng Diyos!

(Mikas 6:8)

1. O lumakad na kasama

Ng Diyos sa kahinhinan.

Maging tapat kasama niya;

Siya’y iyong kalakasan.

Salita niya’y ipagtanggol,

Di ka masisinsay;

Katulad ng munting sanggol,

Sa Diyos ka paakay.

2. O lumakad na kasama

Ng Diyos sa kalinisan.

Huwag magbalik; sumulong ka,

Upang sang-ayunan.

At kung alin ang dalisay

At kaibig-ibig,

Isipin mo’t, nang tumibay,

Sa Diyos ka manalig.

3. O lumakad na kasama

Ng Diyos sa katapatan.

Kasiyaha’t pagpapala,

Inyong makakamtan.

Sa Diyos makialinsabay;

Siya ay papurihan.

Ang kagalakan na tunay,

Dulot ng Kaharian.