Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Nakikipaglaban Ukol sa Pananampalataya

Tagalog
Nakikipaglaban Ukol sa Pananampalataya
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 98
Nakikipaglaban Ukol sa Pananampalataya

Awit 98

Nakikipaglaban Ukol sa Pananampalataya

(Judas 3)

1. Gaya ng hula ni Kristo,

Lupa’y may kasamaan.

Marami’y walang pag-ibig;

Paniniwala’y kulang.

Kaya’t ating ipaglaban

Pananampalataya

Ng Kristiyanong kongregasyon,

Buhat noong una pa.

2. Huwag mong hayaan ang Diyablo

Na ika’y pahinain.

Mag-aral at manalangin,

Pagsamba’y patibayin.

Sa ating pakikilaban,

Huwag tayong mangangatal;

Tayo’y magpapalakasan,

Nang tayo’y makatagal.

3. Gamitin bawa’t paraan

Sa pakikipaglaban.

May tapang na magbalita

Hanggang sa katapusan.

Diyos ipagbabangong-puri,

Wala nang kasamaan;

Sa ilalim ng Teokrasya,

Darating kaligtasan.