Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Nagpapasalamat Kami sa Iyo, Jehova

Tagalog
Nagpapasalamat Kami sa Iyo, Jehova
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 212
Nagpapasalamat Kami sa Iyo, Jehova

Awit 212

Nagpapasalamat Kami sa Iyo, Jehova

(1 Tesalonica 5:18)

1. Salamat, Jehova, sa araw-araw,

Sa ami’y sumikat ang iyong tanglaw.

Salamat sa kaloob na dalangin,

Naidudulog bawa’t hinaing.

2. Salamat, Jehova, sa iyong pag-ibig,

Anak mo sa Hades ay nanaig.

Salamat sa tulong upang maganap,

Panata namin nang buong sikap.

3. Salamat, Jehova, sa kapatiran,

Mabuting kasama’y nasumpungan.

Salamat sa inyong aktibong lakas,

Espiritung patnubay sa landas.

4. Salamat, Jehova, sa karangalan

Na ipangaral ang iyong pangalan.

Salamat at pagdurusa’y lilipas,

Kaharian mo’y di magwawakas.